Chapter 5

86.5K 1K 53
  • Dedicated to Junnett Payawal
                                    

Chapter 5

Sheila's POV

Bakit nya nilocked yung pinto? Kami na nga lang dalawa dito sa kwarto tapos kelangan pang nakalocked?! Napalunok ako ng di oras kasi iba yung pakiramdam ko. Inihanda ko na din yung self defense ko.

"B-bakit mo naman nilocked y-yung pinto love?" ano ba yan bakit ba ko nauutal! Di naman ako dapat kabahan dahil alam kong walang gagawing masama sakin si King.

Umupo sa tabi ko si King at napaisod ako ng bahagya nang hawakan nya ako sa bewang. Hindi ko alam kung papalag ba ko o hindi. Yung mga titig nya ay nanunuot sa pagkatao ko para bang pati kaluluwa ko eh tinitignan na nya. Sobrang nakakapaso yung mga hawak nya. Napalunok na lang ako ng madako yung mga mata nya sa mga labi ko na animo natatakam doon. Oh my God!! Bakit ang init dito sa kwarto ni King? Sira ba yung aircon?

"Hindi pa tayo nakakapagsolo kasi. Gusto lang talaga kitang makasama ng matagal Sheila. I love you so much." nangiti naman ako sa sinabi nya. Ang sweet nya talaga! Walang araw, oras o minuto na hindi nya sinasabi kung gaano nya ko kamahal.

"I love you too King. Ngayon lang ako nagmahal. I'm so lucky to have you." binigyan naman nya ko ng isang matamis na ngiti. Nagkatitigan kaming dalawa at muli ay bumalik nya sa mga labi ko ang mga titig nya. Unti-unti ay inilapit na nya ang sarili nya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko pero nadala na din ako sa mga titig nya kaya naman napapikit na lang ako. Naramdaman ko yung mainit nyang paghinga na nagdadala sakin ng ibang sensasyon. Napakapit ako sa bedsheet at unti-unti akong narelax ng maramdaman ang malambot nyang labi na sumakop sa mga labi ko.

Mabagal sa una at hindi ko pa alam kung paano makisabay sa galaw nya ngunit habang tumatagal ay parang nagiging pamilyar na ko sa mga halik na yon. Nahigit ko yung paghinga ko ng laliman pa nya yung halik kaya naman napakapit na din ako sa batok nya at mas inilapit ang sarili ko sa kanya.

Napahiga ako sa kama ngunit hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi namin, mahihiya nga ata ang hangin na makidaan sa amin dahil halos maglapat na ang mga dibdib namin sa sobrang lapit sa isa't-isa. Sa pagitan ng mga halik ay miminsan ay nagsasabi sya ng matatamis na salita na mas lalong nakakapagpadala sa akin.

Hindi ko na alam kung gaano na kami katagal sa gaanong posisyon, nagpakawala ako ng mahinang ungol ng simulan na nyang halikan ang leeg ko, nawawala na din ako sa katinuan para hindi pigilan kung ano man ang ginagawa nya sa akin. Parang nagdadala 'to ng isang masarap na pakiramdam sa akin. Mas lalo akong napaungol ng ipasok nya ang kamay nya sa loob ng blusa ko.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideWhere stories live. Discover now