Chapter 20

75.2K 1K 66
  • Dedicated kay I love you readers! Enjoy!
                                    

Chapter 20

Sheila's POV

Nagising ako na medyo nahihilo at napakasakit ng ulo ko. Ghadd! Hinding hindi na ko iinom ulit! Ang natatandaan ko lang ay inaya ako ni Brooke sa bar para mag-inom at sinubukan ko yung 13 Hell Shots yung mga sumunod hindi ko na matandaan. Andun ba si King? Parang naaninagan ko ata siya eh? Ah basta ang sakit ng ulo ko! Napabalikwas ako ng bangon kahit na mabigat ang ulo dahil nakita ko ang oras sa bedside table ko.

"LATE NA KOOOO!!" kahit na mabigat ang ulo ko ay pinilit ko pa ding bumangon para maligo sa banyo. Naalala ko nga pala na ngayon na namin pag-uusapan ni King yung final design ng bahay at yung mga materyales na gagamitin. Agad akong nagmadaling mag-ayos at umalis na ng condo unit ko. Dadaan muna siguro ko sa opisina. Kinuha ko yung cellphone ko sa dashboard at dinial ang number ni King.

"Hello." bahagya akong natigilan dahil mukang bagong gising pa lamang si King.

"Kakagising mo pa lang?" I asked.

"Oo eh. Tatawagan na sana kita eh. Malelate lang ako ng konti." he said in a husky voice. Huminga ako ng malalim dahil may isang ala-ala na pumasok sa isip ko. Naalala ko lang kasi yung mga umaga na gigising ako sa tabi niya at alam na ko na husky ang boses niya sa tuwing kakagising. Bahagya akong nakaramdam ng paru-paro sa tiyan ko sa ala-alang yon.

"S-sige." ibinaba ko na agad yung phone at inihagis sa backseat. Tinapik ko na lang yung manibela para naman mawala yung kakaibang feeling.

"Nakakainis. Bakit nagkakaganito ako?!" sabi ko na lang sa sarili ko habang nakatuon pa din ang atensyon ko sa kalsada. 

***

Nang dumating ako sa opisina ay humingi ako ng isang tasang kape ay Roxy at naupo muna sa swivel chair ko.

"Ngayon lang po ata kayo na-late sa trabaho Ma'am." tama si Roxy dahil madalas ay nauuna pa ko sa kanya dito sa opisina.

"Oo nga eh. Medyo nalasing kasi ako kagabi." sabi ko kay Roxy at hinilot ang sintido ko na kanina pa kumikirot.

"Wait lang po sa kape Ma'am pampaalis ng hangover yun. Balik na lang po ako." isinandal ko yung sarili ko sa swivel chair at pumikit muna saglit. 

Ilang minuto na din ata akong nakapikit at bahagya kong naramdaman yung pagbukas ng pinto. Si Roxy na siguro yun, hindi na ko nag-abala pa na idilat ang mga mata ko at nagrelax na lang ako sa pagkakasandal sa swivel chair ko.

"Salamat Roxy." halos pabulong ko lang na sabi kay Roxy.

***

KING'S POV

Medyo late na kong nagising dahil halos wala pa kong tulog. Dalawang oras nga lang ata yung tinulog ko dahil hindi naman agad ako umalis sa unit ni Sheila. Maliligo na sana ko ng mag ring yung cellphone ko at makitang si Sheila yung nasa caller's I.D bahagya akong nakaramdam ng excitement pero naisip ko malamang nagagalit na siya dahil late ako sa usapan namin. Tsk. Super woman ba siya? Akala mo walang hangover eh.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon