Chapter 15

77.8K 1K 91
                                    

Chapter 15

Sheila's POV

Padabog akong naglakad palayo sa kanya at tinuyo muna ang mga luha ko bago muling pumasok sa ng restaurant. Nung tinanong niya ko if pwede ba kaming maging magkaibigan ulit parang biglang nag-init yung ulo ko. For the record kailanman hindi ko siya tinuring na kaibigan! Mabilis yung mga pangyayari eh. Isang araw nakita ko na lang yung sarili ko na mahal ko na pala si King tapos sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak habang pinipirmahan yung mga papeles na nagtatapos sa ugnayan naming dalawa bilang mag-asawa.

Kinalimutan na daw niya lahat ng yun? Pwes ako hindi! Hinding hindi ko malilimutan yung araw na sinaktan niya ko ng husto. Wala pang lalaki ang minahal ko ng ganun at wala ding lalaki na nanakit sakin ng ganun. Ghad! Gusto ko na magwala sa sama ng loob pero ayokong hayaan ang sarili ko na magpadala ng emosyon ng dahil kay King. Ang gusto ko maging manhid para sa kanya. Wala akong pakialam kung masagasaan ko man siya o ang pamilya niya. 

Nasaktan ako ng husto eh! Ipinagkatiwala ko sa kanya ang lahat pero ano? Naalala ko na naman kung gaano ko umiyak nung may taga-korte na nagpunta sa bahay namin ni King sa America upang ibigay yung divorce papers. Hindi ko alam kung ano yung pakiramdam, hindi ko ma-explain kung gaano kasakit yung naramdaman ko.

Pumasok na ko sa loob ng restaurant at tumabi kay Luigi at nginitian siya.

"Mukang may dapat kang i-kwento sakin." pabiro niyang sabi sakin habang hinihimas yung baba niya natawa lang ako sa itsura niya at muling nagseryoso.

"Sa tingin ko nga dapat akong mag kwento. Tara na nga! Mukang di na babalik yung gagong yun." tumayo na ko at inaya siya samantalang siya ay naglabas ng ilang libong piso at iniwan sa table namin.

"Nahahawa ka ng magsalita kay Jackie ah. Haha." sabi niya habang papunta kami sa kotse niya. 

Habang nasa daan ay kwinento ko na kay Luigi yung tungkol sa amin ni King at tumawa lang ng tumawa ang loko. As if namang joke yung kwento ko. Nagmumura na nga ako at kung anu-ano na tawag ko kay King siya naman tawa lang ng tawa. Alam niya kasi na hiwalay ako sa asawa pero never naman siyang nagtanong kung sino yun.

"Hahaha!! Kaya naman pala ganun ka umasta kasi bitter ka sa asawa mo. Hahaha!!" mamatay matay na ata 'tong si Louie kakatawa eh. Ano bang nakakatawa sa inasta ko? Di ako bitter no!

"Grabe naman makatawa 'to! Mamaya nyan mabangga pa tayo eh." pagalit kong sabi kay Louie kaya natahimik siya bigla kaso anakng tumawa na naman!!

"Aminin mo hindi ka pa nakakamove-on sa dati mong asawa. Hahaha. Halatain!" sabi ni Louie.

"Naka move-on na ko no! After 5 years?!! Imposibleng siya pa din hanggang ngayon. Ang akin lang talaga Louie eh bakit ganun siya umasta sakin? Parang siya pa yung galit. Ako dapat diba?" sabi ko.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideWhere stories live. Discover now