Chapter 10

83.7K 1.1K 178
                                    

Chapter 10

Sheila's POV

Two weeks na kaming kasal ni King at dito na talaga kami nag stay sa America. Kinabukasan makaraan ang kasal namin ay dumating ang mama ni King at ganoon na lamang ang gulat niya ng malamang hindi kami nagpaawat sa pagpapakasal. Wala na naman siyang magagawa eh kasal na kami ni King. Bwahahaha!

Ang kaso nga lang sadyang may pagka bruhilda 'tong si 'mama' ayaw ba namang magpatawag ng mama at gusto ay Madam?!! Anong akala nya sakin isa sa mga tauhan nila sa bahay?! Halerrr! Asawa kaya ako ng anak nya. In short MANUGANG nya ko! Arghhh.

Eto pa ang nakakainis may mansion naman sana sila dito sa America atsaka ang laki laki ng America bakit kailangan nyang makisiksik dito sa condo ni King?! Di tuloy kami makapag solo ng love ko. Naman eh!! Pakialamera pa siya ha?! Hindi naman nya alam yung gawaing bahay nakikiagaw pa ng eksena. Promise! Ang hirap pag hindi mo kasundo yung mother-in-law mo sa tuwing maiiwan kaming dalawa dito sa condo akala mo may World War III. Tsk.

Anyways, wala ngayon si King dahil may pasok siya ngayon, nagpapart time kasi siya sa opisina nila kaya ang siste magkasama na naman kami nitong bruhilda kong biyenan. Gustuhin ko mang i-close 'tong si Madam eh hindi ko talaga magawa dahil first of all ayaw na ayaw niya sa akin so ayoko din sa kanya!

"Ma, ako na maghuhugas ng plato." oh diba ang bait kong manugang hindi ko pinagtatrabaho yung biyenan ko. Haha. Baka magalusan magalit pa sakin tapos pabayaran pa pagpapaderma niya. Hahaha.

"Anong akala mo sakin hindi marunong maghugas ng plato? Tatanga tanga." napailing na lang ako. Sino kaya laki samin sa hirap? Ako pa tanga? Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ko sa kuwarto namin ni King para mag-aral na lang. Bahala siya sa buhay niya.

Ilang oras na din akong gumagawa ng sketch para sa project house ko actually dream house ko yun para samin ni King, sana pag-umuwi kami sa Pilipinas mapagawa na namin yun. Haha. Lumabas ako ng kuwarto para kumuha sana ng inumin at naabutan ko si mama sa kusina na naghuhugas ng pinggan medyo nangunot lang yung noo ko kasi naman binabanlawan lang niya yung mga baso at hindi ginagamitan ng sabon. Kadiri naman. Hindi nga 'to maalam sa gawaing bahay maulit na nga lang mamaya. Ayoko na siyang sitahin dahil malamang sisigawan na naman niya ko at igigiit ang gusto niya. Nakakaloka!

***

Ilang araw na ang nakalipas at di ko na matagalan si mama!!!!!!! Lahat ng ginagawa niya dito sa bahay inuulit ko lang!! Kailangan ko pang bumangon ng hating gabi para lang ulitin yung mga gawaing bahay na palpak ang pagkakagawa. Grabe lang! Kayaman at kasosyal na tao kadugyot naman. Psh. Kahit na basic lang na gawaing bahay hindi pa kaya.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideWhere stories live. Discover now