Chapter 14

79.9K 1.1K 175
                                    

Chapter  14

Sheila's POV

Tinatanaw ko ngayon ang malawak na lupain dito sa Batangas. Maganda ang view mula dito sa kinatatayuan ko, tanaw mo ang dagat pati na din ang sariwang hangin na dumidikit sa katawan.

Nakapamewang ako habang tinatanaw ang lupain na siyang pagtatayuan ng isang townhouse, iba ang ayos ko ngayon kumpara sa mga nakaraan. Nakasuot ako ng isang puting haltered top na humahapit sa magandang hubog ng katawan ko at bahagyang malalim ang V-neck nito upang bahagyang ilantad ang aking dibdib at isang skinny jeans. Nagsuot din ako ng red stilletos. Kumapara sa opisina ito ang karaniwan kong suot kapag may inspection sa site.

"Hi. Sexy" kindat sakin ni Luigi habang papalapit ito sa akin.

"Loko." bahagya kong siniko si Louie at tumawa.

Masaya kaming nagtatawanan ng may kotseng huminto sa di kalayuan ng site. Nahigit ko ang hininga ko ng makita kung sino ang bumaba mula sa kotse. Makakalimutan ko ba naman ang aristokratong mukha na iyon, ang matangos na ilong nito at ang mga matang nanunuot sa pagkatao ko sa tuwing tinititigan ko. Ang mga matang tumunaw sa puso ko.

Wala pa din nagbago sa kanya. Napakapit ako sa braso ni Luigi sa tensyong nararamdaman ko. Hindi ako maaaring manghina ngayon. Matagal ko ng pinaghandaan ang ganitong sitwasyon. Itinaas ko ang ulo ko upang salubungin siya. Damn! Bakit lalo ata syang gumwapo?!!

Nakasuot siya ng isang puting polo at maong. Dala nito sa kamay ang blue print na siyang disensyo ng townhouse para sa project na ito. At shit lang dahil sa kanya pa mismong bahay 'tong project ko. Nakakaasar lang.

Huminga ako ng malalim at pinatili ang composure ko. Damn you King! Hindi na ko ang babaeng hahabulin ka.

"Engr. King Romualde?" tanong ni Luigi sa kaharap namin.

"Yes.? nakita kong lumipat sa akin ang tingin ni King at mababakas dito ang pagkagulat. Walang emosyon ko lang siyang tinitigan at ibinalik muli ang tingin kay Luigi.

"Ako nga pala si Engr. Luigi Cueva at ang kasama ko naman ay si Ms. Sheila Estevan kami ang makakasama mo sa project na ito." iniabot ni Luigi ang kamay niya kay King at tinanggap naman nito iyon. At nang iniabot sa akin ni King ang kamay niya ay tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Nice to meet you Engr. Romualde." I said in a cold voice. Ibinaba na din niya ang kamay nya at tinignan ako ng masama. Aba! Ang kapal naman ng mukha niya para tignan ako ng masama.

"Natutuwa akong makatrabaho kayo. Balita ko magagaling daw ang architects at engineers ng Crisostomo Real States." sabi ni King habang nakatingin pa din sa akin.

"Hindi lang yun bali-balita dahil totoo yun." komento ko sa walang ganang pakikipag-usap sa kanya. Galit ako sa kanya. Galit ako dahil naging parte siya ng buhay ko. Kung nagsisisi siya na naging asawa niya ko pwes mas lalo akong nagsisisi dahil minsan sa buhay ko hinayaan ko ang isang tulad niya na saktan ako ng husto.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin