The Story Behind the Story Part 2 (Special Update)

77.2K 1.3K 353
                                    

The Story Behind the Story Part 2 (Special Update)

Nakangiti ako habang pinapanood siyang maglakad patungo sa altar, kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata at kung gaano siya ka-inlove. Bahagyang nawala ang mga ngiti ko, yun ang mga ngiting kailanman ay hindi ko naibigay sa kanya. 

Minsan sabay kaming nangarap na maikasal sa simbahan, bumuo ng masayang pamilya at tumira sa mansion na siya mismo ang nag-disenyo at ako naman ang tumulong maitayo ito. Lahat ng pangarap na iyon ay naglaho na lamang sa isang iglap dahil sa isang hindi pagkaka-unawaan, sa pagiging mapang-husga ko, sa pagiging isip bata ko. 

Hindi ko maiwasang sisihin ang tadhana dahil bakit kailangan niyang subukin ang pag-iibigan namin? Pero naisip ko din na nasubok ng husto kung gaano ko siya kamahal at dahil sa padalos-dalos kong disesyon, nawala ang lahat. Nawala ang pinakamamahal kong babae. 

Limang taon. Limang taon ang nasayang, akala ko makakapagsimula kami ng panibago, akala ko mahihilom ng pagmamahal ko lahat ng sugat, hinanakit at hinagpis na naidulot ko sa kanya ngunit nagkamali ako. Tama siya, maaari nga kaming magsimula ng panibago ngunit ang relasyong may lamat na ay hindi na maibabalik pa sa dati. Magsisi man ako ay huli na. Wala na. Gusto ko lang naman ang mapasaya siya pero bakit puro hinanakit lang ang naidulot ko sa kanya?

"I d-don't know. Hindi ko alam kung kaya ko pang magsimula kasama ka. Masyado kasi akong nasaktan eh. Hindi ko alam kung may puwang pa para sayo dito sa puso ko. I've realized that I will always love you but it doesn't mean that I'm still inlove with you." ang pinaka masakit na linya na narinig ko mula sa babaeng minahal ko ng husto.

Noong marealize ko kung gaano ko siya kamahal at kahalaga sa buhay ko ay huli na ang lahat. Masakit man ang katotohanan na sa kabila ng lahat ng pagsubok na pinagdaanan ng relasyon namin ay kailangan hilumin namin lahat ng sakit at pait ng nakaraan na magkahiwalay. Kailangan ko nga sigurong tanggapin na sa buhay kung sino ang akala mong makakatuluyan mo sa dulo ay nakalaan pala sa iba. Na dumating lang siya sa buhay mo upang matuto ka sa buhay.

Ang sakit sakit sampalin ng katotohanan, ang sakit isipin na ang inakala kong masayang love story ay wala palang happy ending, ang inakala kong prinsesa ay nararapat pala sa iba. 

"King, ilang beses ko 'tong pinag-isipan. Closure lang ang hinihingi ko. Iyon lang naman ang kailangan ng isang failed relationship eh. Wag na nating pilitin kung sirang sira na talaga. Masasaktan lang tayong pareho. Please? Limang taon akong nabuhay na miserable, gusto ko ng lumaya." naalala ko pa noong araw na iyon ng magmakaawa akong bigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon. Masyado ngang matagal ang limang taon. Kung napaaga lang sana ang pagbabalik ko.

Masakit man isipin na dahil lang sa isang pangyayari ay hindi na kami pwedeng maging tulad ng dati.

***

"Congratulations!" masaya kong bati sa kanya noong makalapit siya sa table ko.

"Uy buti nakapunta ka! Kailan ka nakauwi?" masaya niyang tanong sa akin. Damn! Bakit kailangan mong ipakita kung gaano ka kaligaya ngayon? Kung gaano ka kakuntento kasama siya? Kung gaano mo ipamukha sa akin na kailanman hindi ko naibigay sayo ang ganitong kasal?!

"Ah? Kakauwi ko lang, dito na ko dumiretso. Babalik din agad ako ng America." oo umuwi lang ako ng Pilipinas para saktan ang sarili ko. Para lalo akong maghinayang sa mga pagkakataong akin ka. Na ako yung mahal mo.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon