Chapter 7

85.2K 1.1K 102
                                    

Lesson: "Having second thoughts are sometimes fine, just be sure that you will not regret what will you choose in the end."




Chapter 7

"MARRY ME"



Umaalingawngaw pa din sa utak ko yung dalawang salita na yun ni King.

Marry? As in kasal?!! Pag-aasawa?!! Seryoso ba sya nun?!

Ni hindi nga pumasok sa isip ko ang pagkakaron ng boyfriend yung kasal pa kaya na ganitong kaaga?!! Nahihibang na ata ako if ever man na pumayag ako sa gusto ni King. For cryin' out loud 18 pa lang ako at 19 pa lang si King?! Hindi ko maisip kung ano mangyayari samin. 

Ilang araw ko na ding iniisip yung sinabi ni King. Hays.

Hindi ko sya nasagot nung araw na yun dahil masyado kong nagulat at medyo matagal pa bago nag sink-in sa utak ko yung gusto nyang mangyari. Simula non' hindi pa ko kinakausap ni King. Namimiss ko na sya atsaka hindi ko sya matiis. Argh!! Kausapin ko na lang daw siya if nakapag-decide na ko. Aba't nangonsensya pa nga, isipin ko daw kung kaya ko daw ba syang mawala sa buhay ko kasi kung sya daw ang tatanungin hindi nya kakayanin. Ay peste!!

Palabas na sana ko ng apartment ko ng may sumalubong sa akin sa pinto na isang lalaki, delivery boy sa tingin ko.

"Ano hong kailangan nyo manong?" tanong ko kay manong habang nilolock ko yung pinto ng apartment ko.

"May padala po sa inyo Ma'am, galing po kay Mr. King Romualde." agad kong hinarap si manong pagkarinig pa lang nung pangalan ni King.

"A-ano po yun?" wala sa sariling inabot ko yung sobre na ibinigay ni manong at mabilis itong binuksan.

"Passport?"

***

"Ano ba yang binabasa mo Sheila? Parang di ka ata mapakali dyan?" tanong sakin ni Brooke habang pilit na sinisilip yung binabasa kong sulat. Actually eto yung kasamang note sa passport na ipinadala ni King. Talagang paninindigan nya yung pagpapakasal sakin para di lang kami magkahiwalay.

"Wala 'to. Reviewer lang."

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideWhere stories live. Discover now