Chapter 11

77.8K 1.2K 105
                                    

Chapter 11

After 5 years

Sheila's POV

"SHEILAAAAAA!!" bungad sakin ni Jackie ng pumasok siya sa opisina ko. Ano na naman kayang kailangan nito sakin kung kelan naman nag-eenjoy na ko sa pag sketch ng new designs ko.

"What do you need this time Jacques?!!" I snapped.

"Ay sorry naman ah. Busy ka pala? Haler! Binyag ng anak ni Bianca." I sighed. Oo nga pala nakalimutan ko ngayon nga pala yung binyag nung panganay ni Biancx, masyado akong busy nitong mga nakaraan kaya di ko na naalala. Wala pa man din akong nabibiling regalo.

"Nakalimutan ko." I said in a cold voice at tumayo na para ligpitin yung mga gamit ko sa lamesa then nilagay ito sa drawing tube ko.

"Hey! Don't tell me sa binyag mo pa babasahin yang blueprint mo?" tanong nito sakin. Nagkibit balikat lang ako at iginiya ko na siya palabas ng opisina.

"Halimaw ka! Iwan mo muna kaya yang trabaho mo? Alam mo may naaalis sa trabaho dahil sa sobrang kasipagan."

"Talaga lang ha? Kailangan ko ng mabasa yon para walang masabi yung Engineering department sakin." sabi ko na lang at nagtuloy-tuloy sa basement para sumakay sa kotse ko. Kasunod ko pa din si Jackie na napapasabunot na lang sa ulo.

"Alam mo ang labo mo eh. Dapat nakikipagtulungan ka sa kanila pero ang lagay nakikipag-kompetensya ka pa sa engineering department kaya di kayo magkasundo sa design. Napapatagal pa trabaho tuloy." reklamo nito sa akin.

Ayoko lang namang may masabi ang engineering department sakin. Ang gusto ko perpekto lahat ng designs ko, yung walang makikitang butas na pwedeng sabihin sakin. Gusto ko perpekto ang lahat.

"Wag mo kong pakialaman Jacques." hindi na ko kumibo ulit at hinayaan na lang syang dumaldal ng dumaldal.

Hangga't maaari ayoko ng ganito. Ayokong pumupunta sa mga party or magrelax man lang dahil habang narerelax ako nararamdaman ko lang lahat ng sakit. Iba pag nagtatrabaho ako namamanhid ako at walang masamang ala-ala ang may ispasyo sa isip ko.

Sabi nga ni Bianca ako daw ang female version ni Lyndon, anong magagawa ko dito ko lang nadidivert ang lahat.

The Virgin's First Night 3: Once Upon A BrideDove le storie prendono vita. Scoprilo ora