Chapter 2: The Princess

6.7K 93 4
                                    

Angel’s POV

'ATE! GISING NA!', sigaw ng kapatid kong si Angeli.

'Mamaya na… inaantok pa ako eh…', sabi ko sa kanya.

'ATE! MALALATE NA TAYO NIYAN DAHIL SA PAGIGING BATUGAN MO EH!', sigaw niya ulit.

'5 munites pa… sige na…', antok kong sabi sa kanya.

'You force me to do this.', warning niya sakin.

Then nagroll ako sa hinihigaan ko to the right, then may mga naka tusok na kunai at shuriken ngayon. Nag roll ako ulit to the left, buti na lang at malaki ang higaan ko, ganun ulit sakto ko lang naiwasan ang mga kunai at shuriken. Saktong patayo na ako, buti na lang at nahawakan ko ang ninjato ko na nakatago sa mga unan ko, at nakita ko na lang ang kapatid ko na nasaharap ko na at muntik na akong sasakin ng sarili niyang ninjato, buti at nakaharang ninjato ko.

'Good morning sleepy princess, wala ka pa ding kupas. Kumain ka na at mag ayos dahil malalate na tayo', sabi ni Angeli sakin habang nakasmile siya sakin. Matapos niyang sabihin yun ay kinuha niya ang mga kunai at shuriken na hinagis niya sakin at lumabas na ng kwarto ko.

Itong kapatid kong to parang nanay ko kung umasta, lagi ganun ang bati sakin pag ayaw ko agad bumangon. Nakaktakot siya pag ganun pero mahal ko ang kapatid kong iyon, kakambal ko pala siya, ilang minutes lang akong matanda sa kanya kaya ate ang tawag niya sakin. Nakita ko siyang palabas ng kwarto ko at napansin kong nakabihis na siya ng uniform naming sa UST.

Ako nga pala si Angel Cruz, I’m a Management Student sa UST. People calls me princess, dahil daw sa gandang taglay ko. Si Angeli ang kakambal ko, parehas kaming matangkad, maputi, long hair, matalino, kaso ang pinagkaiba naming ay sa ugali, si Angeli kasi siya ang tipong intimidating dahil sa maangas niyang ugali, ako naman ang tamad, pero mataray niyang ate. Tourism ang kinukuha ni Angeli, sa UST din siya nagaaral. My dad wants me to inherit the company, InfoMatics International na isang international systems development company na kasosyo ng ShadowTech Group of Companies. Kami ng kapatid ko ay members din the isang gang, kami ang kilalang twin assassins ng Shadow Gang, isang grupo ng gangsters na kilala sa kanilang ninja fighting styles, pag gamit ng kunai, shuriken, and ninjato bilang weapon, gumagamit din kami ng baril pag kinakailangan. Ako ang 2nd at ang kakambal ko ang 3rd, yung 1st naming ay kilala lang sa tawag na SHADOW, hindi pa nga namin siya nakikita eh, paminsan minsan lang siya kung sumama sa mga laban naming simula nang makasama kami sa Shadow Gang.

Nakakain na ako at naligo na, nag ayos na ako at sinuot na ang uniform namin. Pagbaba ko atat na atat ng umalis ang kapatid ko. Nagpaalam na kami kina dad and mom bago kami umalis, sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan, binigyan kasi kami ni dad ng sarili naming sasakyan.

Kadating naming sa parking lot ng UST, nagusap lang kami ng kaunti ni Angeli bago kami naghiwalay, then I started to go sa building naming.

Habang naglalakad ako papuntang building naming, lahat ng tao ay nakatingin sakin. Kami kasi ng kakambal ko ay kilala dito sa UST dahil sa looks namin, so manghang mangha sila sa ganda namin.

'ganda talaga niya'

'ganda talaga ni angel bagay sa kanya ang pangalan niya'

'pare pormahan na natin bago pa tayo maunahan'

Marami pa akong narinig na bulong bulungan san g mga nakapaligid sa akin, ganun din ang mga haters ko.

'Tignan mo tong si angel, kala mo ang ganda ganda niya. Ako pa din ang pinakamaganda dito sa campus'

'Oo nga Sis, mas maganda ka pa din sa kanya'

Ilan lang yan sa mga pinagbubulungan nina Margaret. Si Margaret Villanueva ay isang Accountancy Student na laging iniisip niya na siya ang pinakamaganda dito sa campus. Yung mga kasama niya ay mga tinatawag na marami na PA daw ni Margaret, para silang uto uto dahil sa nagmumukha silang PA nga ni Margaret.

Malapit na ako sa sa building naming ng may Makita akong grupo ng lalaki na nagkukumpol at parang may pinagtitripan. Nang makalapit na ako ay sakto naman silang nakaalis, narinig kong malapit na ang time para daw sa training nila, ewan ko. Nang makita ko kung sino ang pinagtitripan nila, nakilala ko agad yung lalaki. Si Sai Dizon pala ang pinagtitripan nila, siya kasi ang techno nerd sa klasi naming, kaklase ko pala si Sai and by the way lagi ko siyang nakakagroup sa mga activities and projects. Hindi naman kasi siya masyadong nagsasalita kaya hindi ko pa siya masyadon kilala.

Dahil pamilyar siya sakin ay inabot ko na ang kamay ko para tulungan siyang tumayo. Ako kasi ang tipo ng taong mahilig tumulong. Pagkakita ko sa mukha niya, para siyang natulala nung nakilala niya ako.

Alter EgoWhere stories live. Discover now