Chapter 4: Shadow

5.9K 91 4
                                    

Sai’s POV

Buti na lang at Saturday na ngayon at walang pasok, naalala ko ang letter na narecieve ni Angel at dun sa nangyari dun sa sasakyan niya. Kilala ko si Mizuki pati ang grupo niyang Dragons, sila ang karibal ng grupo naming Shadows, pero hindi nila alam na ako ang 1st dahil hindi ako laging nagpapakita sa mga laban namin.

Naisipan kong itext si Kira, assistant ko para itext niya ang kambal para makipag meet sa akin mamaya.

Text message

To: Kira

Message: Please Contact the Twins, Angel and her twin. I need to talk to them regarding matters. At my office in our quarters around 7:00 pm, today. Make it urgent matter for them to be on time.

Ito na siguro ang time para makilala na ako ng Twins, marami na akong narinig na balita about dun sa kambal. Sumali pa lang sila last year sa Shadows, pero dahil sa galing nila with regards sa pakikipaglaba, hand to hand combat, use kunais and shurikens, and lalo na guns, they also have the looks kaya they are the kunoichi of the group, they also have the brains kaya kahit wala ako ay nagiging stable ang grupo with the decisions they make.

Angel’s POV

Saturday ang sarap matulog lalo na’t walang pasok, makakatulog ako ng mahaba haba. Biglang tumunog ang phone ko, unique na tone na nilagay ko pag ang nagtext ay isa lang ang alam kong nagtetext, si Kira lang ang nagtetext. I just opened the text, akala ko ay ang usual business and challenges na galing sa ibang gang.

Text Message

From: Kira

To: Angel, Angeli

Message: I got an urgent message from Shadow, he wants you both to meet with him today, 7:00 pm at his office in our quarters. He will discuss urgent matters to you both so don’t be late

Hala urgent matter from Shadow, ngayon ko pa lang siya makikita simula ng sumali ako sa Shadows. Ano naman kaya ang paguusapan namin niyan at kailangan pa naming pumunta, kami pa talagang kambal ang pinapatawag.

BOGHSSS

'ATE! Nabasa mo ba ang text ni Kira? May urgent meeting daw tayo kay Shadow', sabi niya.

'Oo nabasa ko nga din eh. Ano kaya paguusapan natin at napaka urgent naman nito?', sabi ko na lang sa kanya ng malalim ang iniisip.

'Angel, Angeli. Breakfast ready, let’s eat', sabi ni mommy na nakapagpawala sa mga iniisip ko.

'Yes, mommy', sabi ko kay mommy sabay hila sa kambal ko.

We just had a very great breakfast with mommy and daddy, kumustahan kami sa studies namin. Hindi na sinabi ni daddy yung incident regarding my car, hindi kasi alam ni mommy na kasama ako sa isang gang, pag nalaman niya ay magagalit siya for sure, lalo na pag nalaman niyang kaming dalawa pa ni Angeli ang sumali.

After kumain tulog nanaman ako habang nanunuod ng movies ang kakambal ko dito sa room namin. Kahit na maingay ay nakatulog na ako, nasanay na kasi ako sa kakambal ko eh. After mga about 5 hours nagising na din ako.  Pumasok muna ako dun sa library naming ni Angeli na nasa loob din ng room namin. I pulled a book until hindi na ito gumalaw, then the shelf started to slide open, oo may special hidden room, pinagawa ito ni daddy in secret pinagawa niya ito nung nagkaroon ng 5 months business trip si mommy, ang bilis nga nung contractor ni hinire ni daddy eh pati kumpleto pati mga weapons namin. Si daddy kasi ay dating gangster din, saan pa ba namin nakuha ang pagiging gangster namin, aha, and daddy admire our fascination with ninjas.

Alter EgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon