Chapter 40: He's Kira, He's my brother

2.8K 36 4
                                    

A/N

last two chapters and final act na. tnx for reading hanggang dito, please vote and comment naman po... thanks

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Angel’s POV

Third day na ng burol nina Kira and other Shadow members, marami ang nalagas sa grupo namin, total count namin, 50+ are dead and the rest went to DC, nakita kasi namin sa CCTV video ang buong pangyayari, ang pagtiwalag nila sa grupo pati ang pagpatay nila sa mga dati nilang kagang.

Andito kami ngayon sa isang building na pagmamayari nina Hubby, traditional Japanese way of burial service ang ginawa nila, pictures lang ng mga namatay ang makikita mo at ang nasa gitna ang picture ni Kira. Andito ngayon ang nalalabing miyembro ng Shadows, sina Hana-chan and Denver pati ang buong Kage, yan na lang ang natira sa dating Shadows. Si Hubby, nakaupo lang sa may harapan. Naka all black kami ngayon pero hindi ang usual outfits namin pag nagkikita, we all lament on the past event na nangyari sa grupo.

'Ana, may I ask something', sabi ko kay Ana, namumula na ang kanyang mga mata dahil sa kakaiyak.

'Ano yon Ate Angel?', tanong ko sa kanya.

'I know Kira as the assistant of Hubby, and a very close friend of him. Ano pa ba si Kira sa inyo specifically kay Hubby?', tanong ko.

Tahimik lang siya, then humingang malalim. Nagumpisa na siyang magkwento kung sino nga ba si Kira.

Sai’s POV

Una sina Kuya Leo and Lian, ngayon si Kira naman and other members of my gang, hindi na sana ako magtatanim ng galit sa mga nagtraydor sa grupo naming eh, pero dahil sa ginawa nila, hindi ko sila mapapatawad.

Tumayo ako sa kinauupuan ko, andito kasi ako ngayon sa pinakaharap na row ng upuan sa building namin inside the cemetery, sa totoo lang lupa namin to, lahat ng mga nakalibing dito ay former members ng Shadows and SS, napagusapan na kasi dati pa bago pa ako naging leader ng grupo na lahat ng mga members na namatay sa laban o kahit anong rason ay dito na lang ililibing para sama sama pa din kahit sa kabilang buhay. Naglakad ako palabas ng malaking room, parang function hall sa loob ng building. Nilagpasan ko lang ang kinaroroonan nina Ana and the rest of the remaining members ng Shadows, nakita ko si Wifey na nagaalala na sa akin, may sinasabi si Ana kay Wifey pero hindi ko marinig. Umakyat ako papuntang rooftop, gusto kong mapagisa.

Sa rooftop sumandal ako sa mga fences na andon and nagmuni muni, lahat bumalik sa akin, kung paano kami nagkakilala ni Kira.

Flash back

4 years ago….

Next year ay ibibigay na sa akin ang pamumuno sa Shadows ni dad, and with that kasama ang SS doon. Nasa Japan kami ngayon, dito kasi kami tumira for almost 5 years, patapos na ako ng high school ko.

Pauwi na ako ng mansion namin dito, pagpasok ko ay sinalubong ako ni Kira, college student na siya, mga 3 years ang tanda sa akin, matagal na din siyang naglilingkod sa pamilya namin, dahil siya na lang magisa ay binigyan na siya ng trabaho nina dad as butler dito sa mansion. Pinapagaral din siya nina dad, next year ay gagraduate na siya sa management course na tinatake niya, advance kasi siya, sobrang sipag and talino. Naging close kaming magkapatid sa kanya, lalo na ako, kahit na nung una ay iniisip naming napa inferior namin sa kanya, ang talino kasi niya.

'Watashitachi wa anata no sotsugyō-go, Firipin ni modotte kuru kotodeshou', sabi sa akin ni dad (We’ll be returning to the Philippines after your graduation).

Alter EgoWhere stories live. Discover now