Chapter 3: New Friends

6.4K 97 3
                                    

Sai’s POV

Nabigla ako ng makita kong si Angel Cruz, ang campus princess, ang nagabot sa akin ng kamay para tulungan ako. Kung totoosin may crush din naman ako sa kanya, dahil sobrang ganda niya and ang talino din niya, parehas kasi kaming President’s Lister.

Kahit nahihiya ako ay inabot ko na ang kamay niya at hinila na niya ako para tumayo. Ang lambot ng kamay niya, parang angel talaga, bagay sa kanya ang pangalan niya, para kasi siyang angel na nahulog mula sa langit.

'Thanks ha', sabi ko na lang sa kanya na nakayuko ang ulo.

'No problem. Tara sabay na tayong pumasok lapit na din ang first subject natin', sabi niya na nakangiti.

Natahimik ako bigla sa harap niya, napayuko ako then nabigla ako ng makita ko na magkahawak pa din ang kamay namin, napansin din niya na kaya bigla kaming bumitaw sa pagkakahawak. Tumawa na lang siya ng pilit then yinaya na niya ako pumasok. Sumunod lang akong maglakad sa kanya. Kahit kakaunti naiilang ako na malapit siya sakin, may gusto kasi ako sa kanya kaya pag malapit siya sa tabi ko, laging may mabilis ang tibok ng aking puso.

Angel’s POV

Grabe naman tong si Sai, ang tahimik talaga, pero ngayon ko pa lang siya nakitang nagsalita ng hindi puro academics ang lumalabas sa bibig niya. Oo, tama ang nabasa niyo, puro pang academics ang mga lumalabas sa bibig niya, hindi man nga siya tumatawa pag nagpapatawa na ang mga kaklase naming eh. Pero there’s one thing I’m interested about him, yun ay ang pagiging mysterious niya.

Nagstart na ang klase namin, ganun pa din kabore pa din ng professor kaya lagi akong self-study sa bahay, buti na lang kahit ako nag self-study ako ay naiintindihan ko naman at nakakakuha pa din ako ng mga mataas na marka. Lagi nga akong natutulog sa klase eh, buti na lang lagi kong kagroup si Sai, sobrang talino kasi niya eh, pero pansin kong hindi naman siya attentive sa klase eh, magrerecite lang siya kung siya na ang tatanungin ng prof.

Buti na lang at lunch break na namin, wala akong makakasama ngayon nagabsent kasi ang mga kasama ko laging kumain. Napansin kong magisa lang lagi si Sai pag break time naming, kaya naisipin kong yayain siyang magsalita.

'Ui Sai, napansin ko lagi kang magisa pag break time. Tara punta tayong Mcdo kain tayo', yaya ko sa kanya.

'Uhm…', hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya, alam kong tatanggi siya eh, kaya hinila ko na siya at lumabas na kami.

'Huwag ka na kasing mahiya, ang tagal na natin kasing magkaklase and para magkakilala naman tayo', sabi ko sa kanya. Hindi siya makatingin sakin, mahiyain talaga tong lalaking to.

Naglalakad kami ngayon sa campus grounds, and what do you expect, dami pa ding nakatingin sakin, samin, at may pinagbubulungan. Naririnig ko pa din ang mga pinagbubulungan nila, nagbulungan pa sila pero naririnig pa din namin.

'Bakit kasama ni campus princess and techno nerd?'

'Anong ginawa ng techno nerd na yon at sumasama sa kanya ang campus princess?'

'Tignan mo pare magkahawak pa sila ng kamay.'

Ang dami pa nilang pinagsasabi pero hindi ko na lang pinapansin, tinignan ko na lang si Sai sasabihin ko sanang wag na lang niyang pansinin ang mga naririnig niya, pero napansin kong hindi niya pinapansin ang mga ito.

Nandito na kami ngayon sa parking lot, papunta kami ngayon sa sasakyan ko, isang Porsche 911 Carrera GTS. Nang malapit na kami nabigla ako sa nakita ko.

Sai’s POV

'ANAK NG! Sino ang walang hiyang gagawa nito sa baby ko!?', inis na inis na sabi ni Angel.

Alter EgoWhere stories live. Discover now