Chapter 16: My past is back

3.6K 42 1
                                    

Angel’s POV

Late akong nagising ngayon, kainis hindi ako nakatulog kakaisip. Hindi ko lubos isipin na babalik siya, ang ex suitor ko na gangster din. Tinitignan ko ang papel na binigay niya sa akin.

/Flash back/

'It’s been a while… Angel', sabi ng isang lalaking nababalutan ng dilim ang kalahati ng kanyang mukha at katawan.

Kilalang kilala ko siya, boses pa lang kilala ko na siya.

'Anong gusto mo ha?', inis kong tanong sa kanya.

'So siya pala ha?', tanong niya sa akin.

'OO, bakit may problema ka?', tanong ko at nabitawan ko na ang mga hawak kong pinamili naming ni Hubby.

'Mukhang walang kwenta ha? Ikaw pa ata ang magtatanggol sa kanya pag nadamay siya, lalo na’t isa kang gangster', sabi niya sakin.

'OI PAIN!', siya ang ex suitor ko na si PAIN, 1st ng Death Reapers. Patrick Aljon Ignacio Nazer, PAIN daw for short. Matagal siyang nanligaw sa akin, pero hindi ko siya sinagot, ayaw ko ang paguugali niya and paraan niya sa pakikipaglaban. Ang gang kasi nila ang kilala sa bansa na gagawin lahat, kahit makapatay. 'Wag na wag mong pagsasabihan si Sai ng ganon. Matagal na tayong tapos, naiintindihan mo ba ang sinabi ko? MATAGAL NA TAYONG TAPOS', pasigaw kong sabi sa kanya.

'Talaga lang ha? Pagkakatanda ko ay may pagtingin ka pa sa akin', kapal talaga nito, sa simula pa lang ay wala akong pagtingin sa kanya.

'Ang kapal mo din no? SIMULA PA LANG WALA AKONG PAGTINGIN SA IYO, HANGGANG NGAYON', naiisis na ako sa kanya kanina po.

'tsk… ingatan mo ang mga taong mahalaga sa iyo, baka paglingon mo wala na sila', pagbabanta ni PAIN habang tumalikod at naglakad paalis.

Nang hindi ko na siya makita biglang may kunai ang mabilis na patungo sa kinatatayuan ko. Umiwas lang ako para hindi tamaan ng kunai, nasa pader lang ang kunai at may naka lagay na sulat doon.

Letter

Gawin mo ang lahat para walang mangyari sa taong mahal mo.

-PAIN
Dark Community

/End of Flash back/

At sumali pa siya sa DC, malaking problema to. Iniisip ko pa ang dapat gawin, dapat ko bang sabihin to kay Hubby? Kaso hindi ko pa nasasabi sa kanya tungkol kay PAIN, baka magalit siya. Naguguluhan na ako ng biglang may nagbukas ng pinto ng kwarto ko.

~BOGSHHH~

'Ate ano yang hinahawakan mo?', tanong ni Angeli.

'Wala to', sabay tago ng papel na hawak ko.

'Wag ka nang magkaila, nakita ko na and alam mo namang hindi ka makakapagtago ng sikreto sa akin', nakapamewang niyang sabi sa akin. Tama siya, hindi ako makakapagtago ng sikreto lalo na sa kanya.

I just sighed then inabot ko sa kanya ang papel na tinatago ko. tinignan niya ito then biglang tumaas ang kilay niya, kilala niya kasi si PAIN.

'You should tell him', sabi ni Angeli sa akin.

'Ahhh… ehh…', d ko alam ang sasabihin.

'You need to tell him, DC is involved here', sabi niya sakin.

'I think your right', sabi ko sa kanya.

Then lumabas na siya, iniisip ko pa din kung sasabihin k okay Hubby ang mga nangyari. After ilang minutes na pagiisip kinuha ko na ang phone ko and tinawagan si Hubby.

Alter EgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon