Chapter 21: Meeting them again

3.2K 40 1
                                    

Sai’s POV

Biglang pumuti ang paligid ko, asaan ba ako? Asaan na si Wifey? I need to see her, I need to be by her side.

Ang dami kong iniisip ngayon all of a sudden

~PAK~

Anak ng… ang lakas makapanapok ha, lumingon ako at nabigla ako sa aking nakita.

'Yow/Chiz', sabi nina Kuya Leo at si Lian.

I just smiled then may tumulong luha sa mga mata ko.

'Oi Sai, bakit ka umiiyak? Di k aba masaya na nakita kami?', pangaasar ni Kuya Leo.

Si Lian ayun kung makasmile, hindi na siya nagbago. Pero teka asan ba ako?

'Oi hindi ka pa patay, andito lang kami para kausapin ka', itong si Kuya Leo talaga, oi ng oi pag kausap ako.

Ha? Paano ako mamamatay? Teka, naguguluhan ako.

'Sai, natatandaan mo bang na sinaksak ka ni Mizuki?', tanong ni Lian, ang lambing pa din niya.

Ai oo nga pala, ngayon natatandaan ko na, nasaksak nga pala ako. Pero bakit ako andito?

'Bakit ako andito?', yun lang ang natanong ko sa kanila.

Naging seryoso ang kanilang mga mukha, then biglang nagflash si Angel, umiiyak siya nakahiga ang katawan ko sa isang kama sa ospital na maraming mga nakalagay na kung ano ano sa katawan ko.

'You need to return to her, he loves you so much', sabi ni Lian, na nakasmile pa din siya.

'Oi, yang girlfriend mo nangako sa amin na siya na ang magtutuloy ng mga nasimulan namin', sabi ni kuya Leo sa akin.

'Ha?', hindi ko siya maintindihan.

'Ang gustong sabihin ni Kuya Leo is, nangako si Angel na siya na ang magbabantay sa iyo, magmamahal, magaalaga. Masaya ako na may nahanap kang tulad niya, masaya ako para sa inyo', sabi ni Lian

'Oi Sai, makinig ka nga kay Lian. Alam namin na mahal na mahal mo din si Angel, kaya wag na wag mo siyang sasaktan, kung hindi ako mismo ang magmumulto sa iyo', pagbabanta ni Kuya Leo.

Lian just nodded doon sa sinabi ni Kuya Leo, hala talagang pagtutulungan ako ng mga to.

'Yes, I promise. The gang misses you, Fox and Princess, lalo na si Flash', sabi ko sa kanila.

'Yah, we miss them too, we will be watching you all kung saan man kami ngayon', sabi ni Lian. She’s the caring Princess of the gang.

'Oi, I forgot to tell you, DC is doing everything to finish you. You must have new alliances, marami diyan na ayaw sumama sa DC kaya you must ask them for help. You’re not alone with this fight', sabi ni Kuya Leo.

Naalala ko ang mga report ng mga kunoichi ko, tama nga si Kuya Leo we need to find new allies malaking laban ang darating between SS and DC.

'You need to go back na, she’s waiting for you', sabi ni Lian.

'Oi, oo nga', dagdag pa ni Kuya Leo.

Tumalikod na ako pero bago pa ako totally makatalikod sa kanila lumapit si Lian sa akin.

'I forgot, give this to her', then may inabot siya sakin.

The next thing I know, nakatingin na ako sa kisame ng kwarto kung saan ako nakaconfine. Then nakita ko na si Wifey, natutulog siya sa tabi ko habang hawak niya ang kamay ko.

'Wifey', bulong ko.

Then bigla siyang nagising, naiiyak nanaman siya. Please wag kang iiyak lagot ako kina Kuya Leo and Lian nito eh, mumultuhin ako ng mga yon.

'Wag ka nang iiyak oh, ayos na ako', sabi ko sa kanya.

Pinunasan niya ang mukha niya, ano ba yan nagka eyebags siya. Nagpuyat ata siya kakabantay sa akin.

'KUYA!!!!', sigaw na sabi ng kapatid kong hindi maipinta ang mukha sa pagkabigla.

'Thank God, your awake son', sabi ni daddy. Kelan pa ba sila nakauwi dito kala ko ba next week pa sila uuwi.

Gaano na ba katagal ako natutulog? Ano ba yan?

Alter EgoWhere stories live. Discover now