Chapter 12: A day at the beach

3.9K 54 5
                                    

Sai’s POV

Late na akong nagising the next day, napuyat kasi ako dahil sa kakapanuod ng movies, inatake kasi ako ng insomnia ko. Tumayo na ako at nagunat unat na, pumunta na sa CR para mag hilamos and mag toothbrush. Bumaba na ako para kumain, kaso parang walang tao dito.

'Ana? Ivory?', tanong ko.

'Angel? Angeli?', tanong ko ulit habang naglalakad papunta sa dining hall naming.

Sinigaw ko na din ang pangalan ng iba pa naming kasama, hinahanap ko na sila. Ang aga aga ako lang magisa ang andito, wala man lang silang pasabi kung bakit sila umalis.

'Sai, umalis po sina Ana and Ivory, kasama po nila yung iba', sabi ni Kuya  Eric.

'Sunod na lang daw po kayo sa kanila mamaya, pumunta pod aw sila doon sa resort nina Ivory', dagdag ni Kuya Eric.

'Ganon ba? Sige salamat. Tara kain', yaya ko sa kanya.

'Tapos na po ako, enjoy the meal Sai', sabi niya sabay dahan dahang umatras para umalis.

Kumain na ako ng breakfast, the usual ang favorite kong sunny side up, toasted bread, coffee. Then nagayos na ako, then pumunta sa garage kung asan ang mga bikes naming, wala na doon ang mga bikes nila. Mga pasaway talaga, iniwan talaga ako ng walang pasabi.

I started to drive papunta sa resort nina Ivory, mga 30 minutes drive lang naman yon dito sa mansion namin.

Ivory’s POV

Hi, I’m Ivory, I guess my cousin Sai already introduced me to you. No more satsat, andito kami ngayon sa resort naming, kasama ko sina Ana, Angeli, Angel, yung dalawang kasama ni Ana and ang 2nd and 3rd ko. Well Ana, Angeli and I have a plan, alam niyo naman ang nangyari kagabi? Kung hindi dahil sa aming tatlo meron na sanang Sai-Angel love team.

'So… anong gagawin natin dito?', tanong ni Angel.

Actually kami lang ni Ana and Angeli ang may alam ng plano, surprise naming to sa dalawa. Secret na muna kung ano ang plano namin.

'What do you think Ate Angel? Were in a resort, what do people do in a resort?', pilosopong tanong ni Ana, hindi na talaga siya nagbago.

Hinila na namin siya doon sa kwarto ko dito sa resort, may sarili kasi kaming room dito ng family ko, laging merong mga damit dito, pang party, swimming, tulog, basta kumpleto.

'This is my room, so feel free get some swimsuits in the closet', sigawan sila sa tuwa. Yung 2nd ko ay doon ko na siya pinapunta sa room ni Sai para makahanap ng damit, oo si Sai may room dito kasi lagi siyang pumupunta dito, form of relaxation niya, tutal papunta na si Sai dito.

Nagpalit na kaming lahat para makapagswimming na. Napawow ako ng makita ko si Angel, she’s so sexy, damn nagiging tomboy na ata ako. She’s wearing color blue two piece covered siya ng white translusent fabric, di ko alam ang tawag doon. Then si Angeli, sexy din pero mas lamang pa din ang ate niya, grabe ang gaganda ng mga curves nila, she’s wearing straight swimsuit pero expose yung curves niya, sensya talaga hindi ko talaga alam ang mga tawag dito, I’m just wearing them. Si Ana naman, ang bata bata pa nito pero ang ganda na and may future sa modeling. She’s wearing two piece na color red and wearing a hat yung malaki na pang summer.

'WOW', sabay nilang sabi nung lumabas ako sa walkin closet ko.

'Oh napano kayo?', tanong ko.

I’m wearing a swimsuit same as Angeli pero color white, tpos may fabric din na tulad ng kay Angel. I’m to embarrassed sa suot ko kaya nagpahuli ako.

Alter EgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon