Chapter 10: Real Sai

4.4K 59 6
                                    

Sai’s POV

'I think Shadow’s right, gagawa at gagawa sila ng paraan para mahunt nila tayo. Mas maraming madadamay kapag kumilos tayo as separate groups. Balita ko din na maraming nakipag ally sa DC kaya magiging mahirap ang sitwasyon natin', sabi ni Ivory.

'So you want us to form 15 man gang vs 100+ na gangsters?', tanong Raven.

'That’s why I asked you to bring your 2nds and 3rds with you, I know you all trusted them with your lives', sabi ni Seal.

'Hindi ba pwedeng…', hindi ko na natuloy ang sasabihin ko bigla akong inunahan ni Ana.

'Shadow wag mo ng ituloy ang sasabihin mo, alam kong nagaalala ka sa kanya', sabi ni Ana sabay tingin kay Angel. Si Angel naman ay nagtataka bat nakatingin si Ana sa kanya.

'Oo nga naman Shadow, atleast mababantayan mo', sabi naman ni Ivory. Hala nahalata na nila ako, nakatingin na ang iba sakin.

'Kayong bahala, but I’m still against na kasama natin ang mga 2nd and 3rd natin, laban kaya natin tong mga 1st', sabi ko na lang.

'Do you think na kaya niyong 5 ang DC?', inis na tanong ni Angel.

'Bago ka bumalik, na pagusapan na naming mga 2nds and 3rds na darating tong time na to. Nakapag decide na kami na hindi namin hahayaang mga 1st lang namin ang lalaban sa DC. Nawalan na kami ng kapwa naming 2nd and 3rd dahil sa kanila, pag sina Fox and Princess ay nandito for sure ganun din ang gagawin nila', sabi ni Angel while the other 2nds and 3rds are nodding.

'But still…', pinigilan nanaman ako ni Angel sa sinasabi ko.

'No buts. And I promised to Fox and Princess to look over you', sabi ni Angel.

Nabigla ako sa sinabi niya, natahimik ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Seryoso ang tono ng pagkasabi niya and seryoso din siyang nakatingin sakin.

'Wala ka pala Shadow eh, natahimik ka sa sinabi ni Angel', pangaasar ni Ivory.

'So it’s settled, SS will be reformed', sabi ni Seal.

We all just nodded and the lights opened again after we finished talking.

'Saan kayo niyan? Balik na ng Manila?', tanong ni Ivory.

'Nope, dito muna kami sa Subic the whole sembreak', sabi ko sa kanya.

'Can I join?', tanong niya ulit sakin.

'Ahh… ehh…', hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko. Napansin kong lagi na lang ako nababara sa chapter na to ha.

'Sige na kuya, sama mo na si Ate Ivory, sige na. Para makilala nila si Angel mo', mapang asar na sabi ng kapatid ko.

'Oo na sige, wag ka nang makulit', after kong sabihin nun, they both hugged me, then napatingin ako kay Angel, nagiba nanaman ang aura niya.

Pumunta na kami sa beach house namin, isang malaking mansion lang naman. Yabang. May mga nakapalibot na fences, restricted ang area, palibhasa dating gangsters din sina dad and mom.

Pagpasok namin sa gate dumerecho kami sa main door, pagstop namin sa tapat ng main door, tinatanggal ko na ang helmet ko ng biglang may dumagan sa akin mula sa likod, ang dami, ang bigat bigat, hindi ako makagalaw.

Narinig kong tumatawa na sina Ana, Ivory, Angel, Angeli pati ang mga kasama nila. Ano ba yan bakit nila ako pinagtatawanan.

Wooof Wooof

Alter EgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon