Chapter 11: Interrupted Confession

3.9K 53 3
                                    

Angeli’s POV

Ang tagal naman ni ate, ganda na pa naman ng pinapanuod ko. Sabi niya magpapahangin lang siya and kukuha ng makakain namin, pero ang tagal talaga niya, nawala na ata siya dito sa mansion nina Sai, sabagay malaki talaga.

Hinintay ko pa ulit ng 5 minutes, wala pa din. Pasaway tong ate ko, gutom na ako, mahanap nga siya.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto namin para hindi maingay, alam ko kasi na natutulog na yung iba. Naglakad lakad ako doon sa hallway, dahan dahan, para tuloy akong magnanakaw sa ginagawa ko.

Naglalakad pa din ako, asan na ba yon? Malapit na ako sa terrace nila, when I saw ate talking to Sai. Ang seryoso ng usapan nila.

'Alam mo ba kung bakit ayaw kong buuin ulit ang SS?', boses ni Sai.

Dahil sa narinig ko kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ni Ana. Pagbukas ko ng pinto nakita ko din si Ivory na nagkukwentuhan.

'Uhm… can you two come with me?', hingal kong tanong sa kanila.

'What’s the matter Ate Angeli?', tanong ni Ana.

'Just come with me', hinila ko na silang dalawa papunta sa malapit sa terrace, sinenyasan ko na din sila na wag maingay.

Nabigla sila ng makita si Ate and Sai na naguusap sa terrace. They started to giggle, kinikilig ata tong dalawang to, pati din ako.

'Ayaw kong mawala ka Angel'

By the way, nasabi ko na din sa kanila yung narinig ko kay Sai bago ko sila hinila kaya kinilig sila lalo narinig nila.

Angel’s POV

'Ayaw kong mawala ka Angel'

Yan ang sinabi ni Sai sa akin, lalong bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Pero parang may pinaparating siya sa akin, ano ba ako sa kanya? Nalilito na ako.

'Uhmm…', hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko.

'I… Ma…', kinakabahan siya sa sasabihin niya.

~Bogsh~

Nabigla kaming dalawa sa narinig namin, may bumagsak na kung ano sa loob.

Tumayo si Sai sa kina uupuan niya, binaba ng maayos ang gitara sabay hagis ng isang kunai sa akin. Aba ready ba lagi to kapag kailangan niyang lumaban? Dahan dahan kaming lumapit sa bukas na pinto papasok ng hallway nila. Anak ng… hangga ba naman dito mapapalaban pa ata kami, panong nakapasok ang mga kalaban namin dito sa mansion ni Sai eh bantay sarado to ng mga gwardiya nila and ng mga alaga niyang nin dogs and nin cats, pati ako nadala na ni Ana sa pagtawag ng nin dogs and nin cats sa mga alaga ni Sai pano ba naman special training ang ginagawa niya para sa mga yon.

'Ang lakas din ng lo…', napatigil siya sa nakita niya. Ako din nabigla ako sa nakita namin.

Sai’s POV

'Ang lakas din ng lo…', napatigil ako sa sasabihin ko. Nakahanda na pa man din kami ni Angel na makipaglaban kung sino man ang kalaban naming nakapasok sa mansion namin. Sina Ana, Angeli and Ivory lang pala. Ha? Anong ginagawa nila dito? Narinig kaya nila ang mga sinabi ko?

'Sorry kuya kung nabigla ka namin…', sabi ni Ana.

'Waaa… Ate Angel andito ka rin pala?', dagdag niya.

'Ito kasing si Angeli, pinuntahan kami nagpatulong kumuha ng pagkain, ang tagal mo daw, ang dilim sa hallway kaya yun nadapa kami', sabi ni Ivory. Nagnod lang si Ana habang sinasabi yon ni Ivory.

Alter EgoWhere stories live. Discover now