Nine

370 10 1
                                    

Last night was like one of those sleepless nights I had when Red and I were still together. And even after we broke up. Although not really with the same purpose, it’s still something unusual for me to think about. Tss. Hindi ko alam kung namiss ko ba yung ganon o nasanay lang ako na matagal ng walang iniisip tuwing gabi.

Paguwi ko kahapon dumerecho na ko sa kwarto ko at nagstay hangang gabi. Lumabas lang ako para kumain ng hapunan and I also talked to my mom about the trip.

“Ma, niyayaya ako ni Sandy na sumama sa kanila. Okay ka lang ba dito?”

“Gaano ba katagal yun?” she asked.

"Mga 3 weeks ho siguro, pinakamatagal na yung isang buwan” oh, forgive me for lying :-[

Parang nagisip isip muna siya bago sumagot “Tamang tama pala, niyayaya kasi ako ng kuya mo na magbakasyon daw muna sa kanila. Siguro dun na muna ako, okay lang ba sayo Anak? ”

“Talaga Ma? Opo naman, kaya ko na din naman sarili ko saka okay nga yun para hindi kayo nabuburo dito sa bahay.” I said excitedly pero hindi ko masyado pinahalata, baka mapansin ni Mama na may niluluto ako eh =D

First problem solved, I thought. Hindi na ako mahihirapan sumama kay Iago kasi pinayagan na ako at malamang hindi rin ako mabuking kasi pupunta si Mama sa States at kapag nandun na siya panigurado maililihis ko na yung isip niya sa'kin (:.

Kung tutuusin wala na ako dapat isipin kasi magpapangap lang naman kami. And with Iago I know it won’t be that hard. I hope so

I stood up after fifteen minutes of staring at the ceiling and decided to do my morning rituals when my phone suddenly rang.

“Babe” babe? Hmm, it sounds good :D what a nice way to start my day. Haha.

“sinong babe? Sorry sir, walang babe dito. Wrong number po kayo.” I kid. Sinubukan ko pa palakihin yung boses ko. Haha.

“Hey, kung sino ka man ilabas mo na ang babaeng mahal ko.” whut? Sinasakyan niya yung trip ko? Mahal daw? pft. Haha.

“HAHAHAHAHAHA! What do you need babe?” I gave up. Hindi ko na mapigilan tawa ko eh.

“Oh I need you, badly.” why does he sound so…sexy? I can feel my face getting red already. Sh.t

“Shut up. Spill it.”

“ikaw naman, nilalambing ka lang eh. Tumawag ako para sabihin na 5 am alis natin bukas sakay ng chopper. Susunduin kita, Masyado ba maaga? ” ow, sasakay kami ng chopper? bigtime, Haha

“No no, I’m cool with it. And..uhm, is this scheme a secret? I mean pwede ko ba sabihin kay Sandy?”

“Kay Sandy? ” natahimik siya sandali bago sumagot “Sige ikaw bahala, settle everything you need today para okay na lahat bukas. Gusto mo samahan pa kita? ”

“Wag na, wag na. Tawagan na lang kita mamayang gabi. Bye.” binaba ko na yung phone tapos tinext si Sandy na pupunta ako sa kanila.

****

“CONGRATULATIONS! ” sumigaw pa talaga si Sandy at ginaya si Congratulations with matching wagayway ng hands. ::)

Nandito kami sa Condo ni Sandy nanonood ng Wall-E habang kumakain ng Pizza at nagkukwentuhan. Sinabi ko na din sa kanya na pumayag ako dun sa favor at bukas ang alis namin ni Iago at ganyan nga ang naging reaction niya. NANGAASAR.

“Ha-Ha, Hindi ba mas appropriate and Condolence sa situation ko?” sagot ko naman sa kanya. Sarcastically.

“Tsk. Ano ba nakain mo best?” sabi niya habang tinitingnan akong mabuti mula ulo hangang paa na parang may mali sa'kin.

Somebody Else's FairytaleWhere stories live. Discover now