Twenty Five

352 10 1
                                    

Seven Years later.

Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthay dear Xavier, Happy Birthday to You.

"Go make a wish baby, then blow your candle."

"I wish dada and mama would give me a baby sister so I can have someone to pway with." nagtawanan tuloy kaming matatanda sa wish ng anak ko. Then I looked at Iago and smiled. He just mouthed "I love you" and me and blew a kiss. Hanggang ngayon hindi pa rin kumukupas ang ka-sweetan ng lalaking to.

It's been six wonderful years of my marriage with Iago and today is our little prince's 5th birthday.

With these two loving guy in my life whom I love and loves me dearly, I couldn't ask for more.

"Yaya, ikaw na muna bahala ah sa mga bisita ha. Pakisabihan mo na rin si Manang na ilabas na yung desserts."

"Ma, can I play with my gifts na?" hinila ni Xavier ang laylayan ng damit ko.

"Sure baby, but share them with your friends ha."

"Opo. I'll julst pway with Tom and Sam at the twee house." at lumakbo na siya papunta sa kambal ni Sandy at Waki para maglaro.

Sa mga taong nagdaan magbestfriend pa rin kami ni Sandy at buo pa rin ang barkada. Mas matanda lang ng isang taon ang anak ni Sandy at Waki kay Xavier. Ang baby naman ni Lucas at Cindy ay on the way pa lang, tinupad muna kasi ni Cindy ang pangarap niya bago sila nagpakasal ni Lucas. Kaya ayun, ilang beses rin silang nagbreak bago umayos ang life. Si Rica naman ay happily single at nagmamanage ng kanyang chains of Pastry Shops. At si Red, naku ewan ko ba sa taong yun, hanggang ngayon single pa din. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa kanila ni Kara, hindi naman kasi siya nagkukwento.

Habang pinapanood ko si Xavier na naglalaro, may biglang yumakap sa'kin sa likod.

"Thank you." sabi niya sabay kiss sa cheeks ko.

"Thank you for?" lumingon ako sa kanya at nagtanong.

"Well first, thank you for being the mother of my child and most of all, thank you for bringing him up as a good and very clever kid."

"Haha, syempre. Ikaw ang daddy eh, clever talaga yan." I chuckled and playfully pinched his cheeks.

"Nakakahiya namang mangistorbo dito, may sariling mundo." kahit kelan talaga epal to si Sandy :D "Nakita niyo ba yung kambal?"

"Ayun kalaro ni Xavier." sabi ko sabay turo sa tree house. Okay lang na dun maglaro yung mga bata kasi hindi naman mataas yung puno at maliit lang talaga siya, pang bata lang talaga ang size.

"Nasaan nga pala si Lucas? Kanina pa yun nagyayaang uminom eh sabi ko naman alam niyang bawal ako. haha. " tanong ni Iago sa kanya.

"Ayun kausap si Waki, nanghihingi ng tips paano pagpapasensyahan ang naglilihi niyang asawa. Hahaha. Kayong mga lalaki, kami na nga ang naghihirap magbuntis magrereklamo pa kayo."

"Noooooo. gimme that!" sabay kaming napatingin ni Sandy sa tree house.

"Naku, mukang inaagaw na naman ni Tom ang laruan ni Xavier." pinuntahan na lang namin yung mga bata.

"Tommy, hindi sayo yan. Ask nicely okay? Wag yung basta basta mo kinukuha." sabi ni Sandy sa anak niya.

"Why can't I have it too?"

"Because it's only for the birthday boy" nag pout naman si Tom. Ang cute cute ng batang to, ang taba taba at ang fluffy ng cheeks, pareho sila ng kambal niya na si Sam. Pero syempre mas cute ang baby ko. :D

Somebody Else's FairytaleWhere stories live. Discover now