Fourteen

332 6 0
                                    

"Haaaaaaaaaaaaappyyyyyyyyy." Grabe. Bago pa man ako maka bwelo para tumili ng "Saaaaaandyyyyy" eh nakayakap na sa'kin ang babaeng to. Kulang na lang magpabuhat pa :D namiss nga talaga ako haha.

"Grabe teh, miss mo nga talaga ako. Hahahaha."

Nandito kami ngayon sa rooftop ng hotel kasi sinundo namin sila. Kahapon kasi after i-suggest ni Iago na dito na nila ituloy ang kasiyahan tinawagan ko na si Sandy para sabihin sa kanya. Tapos sinuggest naman ni Iago na mag chopper na lang din sila para hindi hassle. Edi yung mga bruha tuwang tuwa naman dahil makakasakay na ng chopper at libre pa :D

"Kumusta naman pala ang byahe niyo? Wala bang nahilo or nasuka?" Tanong ni Iago sa kanila. Actingng very accomodating host talaga. Haha. Sabay arte naman ni Rica na matutumba at sinadya pa talagang kumapit kay Iago. ::)

"Nahihilo ako fafa Iago, pakidala naman ako sa room."  *poink* binatukan ko nga. Lumalandi na naman eh, babe ko pa nilalandi ::)

ayyy, nagseselos ka? sa bakla pa? at kabarkada mo pa?

Joke lang yun. Hindi selos, biruan ba. Naman o =)))

"Aray naman. Lalo tuloy akong nahilo. Ateng naman, hindi naman siya papaagaw kahit pa maghubad ako sa harap ng jowa mo."

"Talaga naman. Wala nang makakaagaw saken from my Babe." 8D

"Tara na nga. Nagugutom na ko eh." Nagyaya na ko bumaba sa restaurant. Nagugutom na rin naman kasi talaga ako at nagsisimula na naman maglambing at mambola ang gwapong boyfriend ko. haay

****

Pagkababa namin hinatid muna sila ni Iago sa kanya kanyang rooms. Ay hindi pala, dalawa lang kasi yung sinabi ni Sandy na kuhanin para sa kanila tapos sila na daw bahala mag usap kung sino sino magkakasama sa iisang room. Siguro all boys tapos all girls, ewan ko lang kung saan matutulog si Rica. Sana naman wag sa room namin. Haha

"Hey babe, okay ka lang ba?"

"Ha? Yup. Sorry mejo sumama lang pakiramdam ko. Sobrang init kasi eh." Mejo masama nga pakiramdam ko, o ewan ko. Nagdadrama lang siguro ako dahil narealize ko na marami na kami. Hindi ko na masosolo ulit si Iago. oops :-[

"Oo nga eh. Sobrang init." Uyy, Si Waki nagsalita. :-o Pero yung pagkakasabi niya parang ang bitter, tapos nakatingin pa ng mejo masama kay Sandy. may something fishy ata sa dalawang to. Tapos napansin ko kanina pa walang imik si Waki. Mula pa ng bumaba sila ng chopper tapos ngayon lang siya nagsalita, unusual pa.

"Speaking of mainit, I have an Idea. Why don't we have a mini party in my yacht later? Swimming na din. Tapos magdala na kayo ng mga damit para dun na tayo sa cottages malapit sa dalampasigan matulog?"

Wow. May yate pala siya. Tapos sa kanya yung cottages na yun? Grabe. ano nga naman ieexpect mo? mayaman eh .

Pero kami kahit mayaman, hindi ko masyadong nafeel. Siguro kasi sinanay kami ni Mama sa simpleng buhay. Lalo na ngayon na dalawa na lang kami dito sa Pilipinas. Hindi masyadong halata na may sarili kaming kompanya.

"Wow. May yate ka fafa. Ano pa bang meron ka? Kapatid na kasing gwapo mo kaya?" tinawanan lang siya ni Iago.

"Yup meron. Kaya lang may girlfriend na siya eh :-)"

"Ayyyyyy. Ok lang, girlfriend pa la--- ARAY" Ayan, ngayon si Cindy naman bumatok sa kanya. Hahahaha

":'( ano bang kasalanan ko sa inyo? Isa lang naman ang kasalanan ko, na naging maganda ako. Pero hindi sapat yun para sakta----" Ngayon si Waki naman ang nagsubo sa kanya ng Pandesal. Ang kulit eh. Maglilitanya na naman, baka hindi kami matunawan. hahahaha.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain tapos sinabi ni Iago na magkita kita na lang mamayang 3pm sa lobby.

After maghiwa-hiwalay para magpahinga ng mga ilang oras, dumerecho na kami ni Iago sa room pero ako hindi pa rin umiimik. Haaaay ewan. Kasi alam mo yung feeling mo tumitibok yung lalamunan mo? =))) Hahahahaha. Basta kapag si Iago kasama ko, lalo na pag dalawa lang kami, laging hindi ko maintindihan nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Parang nabablangko na lang ako.

"Okay ka lang talaga?"

"Siguro :-/" sabay ngiti sa kanya "iinom na lang ako ng gamot tapos susubukang umidlip para mamaya okay na talaga pakiramdam ko."

"Sige." then he kissed my forehead. parang mahal talaga niya ako then said "Bababa muna ako ha, aayusin ko yung yate saka yung mga kailangan mamaya."

****

Ang ganda ganda ng panaginip ko, naglalakad na daw ako papunta sa altar kung saan naghihintay ang groom ko, pero paglingon niya. hindi si Iago. Si :0

Bigla akong napadilat. Buti na lang pagdilat ko si Iago na ang nakita ko. Hay. Ang ganda ganda na ng panaginip naging ganun pa, hindi talaga natin masasabi kung ano ang magiging ending.

"What time is it?"

"2:30 na po. :)" Shoot. I don't care about the time anymore, naisip ko baka may muta ako. !@##$% baka kanina pa siya nakatingin sa'kin at nakita niya kung pano tumulo ang laway ko. waaaaaaaaaaaaaaaaa.

"OHMYGOD." tumayo ako at dagli dagling kumuha ng isusuot at babauning damit pero siya nandun lang. NGA-NGA. bahala nga siya sa buhay niya.

Pumunta ako dun sa cabinet para kumuha ng towel. Syempre maghihilamos ako, pero pagkasara ko ng cabinet door, ayun, lips na niya yung nasa lips ko :-[

"I've been wanting to do that since this morning, pero baka maasar ka dahil namimihasa na ako eh."

Aba, sa ginawa niya ngayon, tingin niya okaaaaay lang? Hindi pa siya namimihasa sa lagay na yun? :0

"Badtrip ka talaga. Tara na nga."

"Sure ka? :D tara na?" Sabi niya na parang pinagtatawanan pa ako.

Shoot Hindi pa pala ako nakakapagsuklay, toothbrush, hilamos. Wala pa ako nagagawa. WALA!

Lumipad na naman kasi ang isip ko:-/

Somebody Else's FairytaleWhere stories live. Discover now