Seventeen

327 10 0
                                    

Ok. That did it.

Naiinis at na fufrustrate na talaga ako. Hindi ba niya alam kung gaano kahirap magpigil ng nararamdaman? Tapos yun na nga, sobrang hirap na nga dadagdagan pa niya. Why can't he just stop acting like he's in love with me?

How can he look me in the eyes like that? As if he really wants me. How can he kiss me like that? Na parang wala siyang mahal na iba. You know what I feel after every sweet tormenting moment? I feel used. Oo nga masaya, nakakaoverwhelm sa pakiramdam pero pagkatapos ng mga ilang minuto, kapag nag sink in na naman ang realidad, pakiramdam ko si Kara pa rin ang naiisip niya. Na si Kara ang nasa isip niya habang ako ang hinahalikan niya. Kaya hindi ko magawang lubusang matuwa kasi deep inside alam ko na wala namang totoo sa lahat ng ito kundi ang nararamdaman ko lang.

At isa pang kinaiinisan ko ay ang sarili ko. I should know what to do, I should be better than this. Pagkatapos ko masaktan kay Red, pinangako ko na sa sarili ko na gagawin ko lahat ng makakaya ko wag lang maulit yung sakit na naramdaman ko noon. Eh worse pa ngayon dahil hindi naman TALAGA kami, wala naman akong karapatang magkaganito. Dapat hindi na ako kinikilig sa mga sinasabi at ginagawa niya dahil aware naman ako. Aware naman ako sa fact na palabas lang to. Malinaw naman yun simula pa lang. Nakakainis lang dahil nagkakaganito ako, at nakakainis dahil parang wala siyang pakealam sa mararamdaman ko sa mga pinag gagawa niya.

I don't know. Is he dense? or just insensitive? Finally, I have thought of something not to love about him. Kanina lang, malinaw pa sa sikat ng araw ang ibig sabihin ng sinabi niya; Si Kara pa rin mahal niya. Tapos ngayon kakanta siya ng ganun para sa'kin?

Actually hindi naman yung kanta yung nakakabother talaga. Ang nakakabother yung mga tingin niya, yung parang may sinasabi siya na hindi ko naman alam kung alam ko o ayaw ko lang asahan na alam ko. Basta, Yung feeling na parang alam mo pero ayaw mo mag assume kasi ayaw mo masaktan pero nasasaktan ka rin naman in the process. He does things opposite to what he implies in his words. He's a damn walking contradiction.

Hindi ko na alam kung sino ang mas ewan sa aming dalawa. Ako na nahuhulog sa mga ginagawa niya, o siya na patuloy sa ginagawa niya ng hindi man lang nagkakaideya na baka nahuhulog na nga ako. Ang gusto ko lang naman....

You want him to stop acting like he loves you?

:-[ Ewan...ang gusto ko lang...matapos na ang lahat ng ito. Gusto ko ng bumalik sa normal ang lahat.

"Truth na lang" :D Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nakapagspin na pala sa Iago. At kay Sandy tumapat.

"Sino a--" bago pa matapos ni Iago yung tanong niya, biglang sumabat si Waki. Out of nowhere. Kanina pa naman kasi talaga siya parang bangag.

"Do you still love Bryan?" uh oh It's a very critical question. Natahimik kaming lahat kasi si Bryan yung ex na nanloko kay Sandy :-/ "okay, yun na lang ang tanong." sabi ni Iago, pinasigla pa niya yung boses niya para basagin ang 'awkward' mood.

Tiningnan ko si Sandy, biglang nawala yung ngiti niya tapos sumeryoso bigla yung muka niya, napatiim bagang siya pero hindi ko sure kung galit o lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya.

"I..I don't know" napangiti lang si Waki, pero parang ngiwi ata yun eh.

"Ok. Salamat sa sagot. Pass muna ako guys, kayo na muna maglaro." tumayo si waki, kumuha ng lata ng beer at umalis. Nagpaalam na din muna ako sa kanila at sinundan si Waki. sabi na nga ba may fishy talaga sa dalawang yun

****

Nakita ko si Waki na nakaupo sa madilim sa side ng beach, nakasandal sa malaking bato. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya, hindi naman siya tumutol, hindi rin umimik.

"Can I ask?"

"You already did." ay hehe, nga naman. Nagsmile na lang ako ng alanganin sa kanya.

"What happened?"

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot. "Something..happened" :-[ tiningnan ko siya, pero parang wala lang eh. Parang ang lalim lalim ng pinaghuhugutan niya.

"And I was a fool to believe that that something would set things right." hindi pa rin ako nagsasalita, hihintay ko lang yung sasabihin pa niya.

"I know you're aware that I love her." tumango lang ako.

"But it's not just like that...I..I loved her first. And no one knows how much regret I felt when I saw her so miserable because of that jerk, and I just couldn't do anything." oww :-[

"I loved her since god knows when and I just didn't know what to do, or how to tell her. I was so different back in high school. I was a nobody. And then comes Bryan, I saw how happy she was so I thought I should just stay invisible. Tapos ayun nga, sinaktan lang siya ng g*gong yung" >:(

Ngayon ko lang nalaman ang side ni Waki. I mean ngayon lang luminaw sa'kin. Ngayon ko lang na verify na talagang mahal niya si sandy. Kasi nga di ba, kahit magkakaibigan kami may limitation pa rin sa issues ng bawat isa. Kapag nag confide sa'kin , I'll just be there. Pero hindi ako nagiinsist na alamin kung hindi naman nila gustong ipaalam. Alam ko na iba ang concern sa pagiging persistent. Basta ang importante alam nila na I'll always be there for them to listen.

Mejo naiintindihan ko rin ang sakit na nararamdaman ni Waki, yung tipong gusto mo makatulong pero wala kang magawa. It feels bad, naranasan ko rin sa parents ko yun and even kay Sandy mismo. Minsan talaga wala ka magagawa dahil hindi ka naman kasali sa eksena.

"I was lucky to be friends with you, nagkaroon ako ng pagkakataon para maging kaibigan rin siya. I was genuinely happy. Kahit na kaibigan lang, kahit na minsan nakikita ko pa rin ang sakit sa mga mata niya. Okay na sa'kin yun eh. Ok na sa'kin na parte na ako ng buhay niya kahit papano. I wasn't as helpless as I was before."

Tahimik pa rin ako, nakikinig lang.

Ngumiti siya ng mapait bago nagpatuloy.

"I was so happy to be there for her. I was so happy to see her happy and finally be someone who can make her happy. Ang ganda na ng lahat, dumating pa nga sa time na feeling ko mahal na rin niya ako. Then 'that' happened. I know it was impulsive. But I swear, it was the most amazing thing that happened to me."

"Pero saglit lang pala yung saya ko, I thought it was special for her too. Ang sakit sakit sa'kin na balewala lang sa kanya yun. Kalimutan na raw namin dahil hindi sinasadya. She said it was a mistake."

Napayuko lang siya, tapos maya maya napansin ko na yumuyugyug na ang mga balikat niya.

I just placed my hands on his shoulders.

"I can't tell you what to do right now, just let go of the pain. Cry. Alam ko naman na maayos din kayo. We'll know what Sandy feels and whatever happens, everything will eventually turn right. Okay? I'll talk to her then maybe you can patch things up."

"bahala na :D"

I hugged him. Sabi nga nila, When words fail, a hug will do.

Somebody Else's FairytaleWhere stories live. Discover now