Fifteen

332 5 1
                                    

Bumalik na ulit ang isip ko pero hindi pa rin ako makausap ng matino kasi syempre, sabaw pa :D

Simula pa kaninang magkita kita kami sa lobby hanggang ngayon na nagtatampisaw na sila sa tubig at nageenjoy, hindi ko pa rin iniimik si Iago. Kaya nandito ako ngayon nakaupo sa isang tabi at nakikipag brainstorm na naman sa utak ko.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi ko na rin masabi kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Iago. Kung ano na ba talaga ito. Kung totoo na ba o tuloy pa rin sa plano. Paano mo ba naman kasi maiiwasang mahulog sa taong masyadong maka gawa kahit walang sabi sabi. fan siguro talaga siya ng actions speak louder than words. Pero kung yun naman edi ibig sabihin mahal na talaga niya ako? o sadyang ganun lang talaga siya?

Bakit ba ang hirap? ang komplikado? Hindi ba pwedeng ako na lang ang mahal niya para tapos na? Hay.

"Okay ka lang ba? Ngayon lang kita nakitang ganyan ka-tuliro Sab." Kapag serious SAB ang tawag niya kasi nga serious, di bagay ang HAPPY. ::)

"Ngayon ko lang din naman kasi na-experience to." sagot ko sa kanya sabay buntong hininga.

Sino bang hindi matutuliro kung yung mahal mo mahal pa ang ex niya na jowa ng ex mo? Kalurkeeey, ano na lang ako? NGA-NGA. Ganun ba siya kaganda para mahalin ng minahal at minamahal ko? hays.

"Masyado ka kasing seryoso. Wag mo na kaya munang isipin? Go with the flow na lang. Masaya ka naman di ba? Masaya naman tayo, so why ruin it by thinking too much?"

"I get that a lot. Ang dami na nagsabi na masyado akong seryoso. Masyado akong stiff. Pero... di ba masaya naman ako kasama?" I sighed and looked at her "Siguro kasi lagi akong nauunahan ng utak ko. Ayoko kasi na hindi ako ready, gusto ko naiisip ko na yung gagawin ko. Ayoko ng komplikado, pero ang nangyayare sa kakaisip ko napapagod lang ako pero komplikado pa rin."

"Tuwing kasama ko nga siya kinakabahan ako kasi wala na nga talaga akong naiisip kundi siya, Go to the flow na nga ako eh. Ang problema hindi ko alam kung saan patungo yung 'flow'. Masaya nga, baka mamaya ang dulo pala ng flow na to, Bangin. Anong gagawin ko? Hindi ako ready sa ganito Sands."

"I know I am your bestfriend but between the two of us, ikaw lang makakaalam ng magagawa mo. Basta nandito lang ako to listen, kahit wala akong masabi dahil hindi ko alam ang mga bagay bagay tungkol jan at kahit bestfriend mo ako, alam ko wala akong karapatang panghimasukan ang nararamdaman mo o diktahan ka ng dapat mong gawin."

:'( aww. She knows me too well.

"But you know, I'll help you the way I know how 8D."

"Sand---- aaaaaaaaaaaah!"

!@#$%$#!

I DON'T KNOW HOW TO SWIM! ITULAK BA NAMAN AKO? :-o >:(

Nagpapalag na ako sa tubig at pilit humanap ng kakapitan, aba, talagang hindi ako tinulungan ng bestfriend ko! Grabe. Hindi na ko makahinga. Nahihirapan na ako lumutang nang biglang may to the rescue. thank god . Niyakap ako ni Iago at nilangoy palapit dun sa railing. >.< nakakahiya :-[ kaya nga hindi ako naliligo dahil malalim at hindi ako marunong lumangoy. Yah! Embarassing it is, I don't know how to swim.

"You don't know how to swim?" :D Grabe! nagtanong pa na parang ikinatutuwa pa niya na hindi ako marunong lumangoy. KAASAR.

"Ay hindi. Marunong po ako. Nagpanggap lang ako na nalulunod kasi wala akong magawa. Wala lang. TRIP LANG!" I said sarcastically sabay walk out. Nakakaasar. Magsama sila ni Sandy. Bwiset.

****

"Sorry na oh" :-[

Mejo asar pa rin ako. At hindi na talaga ko lumabas ng cabin hanggang sa dumaong yung yacht. Kaya magisa ako ngayon na nakaupo sa malaking bato habang inaabangan ang sunset. Tapos bigla namang sumulpot ang lalaking to at umupo sa tabi ko. tss.

"Hindi ko naman kasi alam. Sorry na kung naasar ka."

"Hindi mo naman kasi alam. Hindi mo alam ang feeling na nalulunod >:("

"Akala ko naman marunong ka lumangoy" :-/

"Akala mo lang yun." bumuntong hininga na lang siya at hindi na sumagot. Nanahimik na lang din ako.

"Ang ganda noh? Pero hindi mo pwedeng panghawakan, saglit lang talaga ang mga magagandang bagay. Bihirang magtagal."

Oo nga eh. Pero ewan ko lang kung sunset pa rin tinutukoy niya. Ang ganda nga ng sunset. Nakakaiyak sa sobrang ganda. Nakakalungkot noh? Na ang buhay ng tao parang sunset. Umaayos at gumaganda lang ang lahat kapag patapos na, kadalasan pa kapag huli na ang lahat.

Ang ganda pero hindi ko alam kung naiiyak ako sa ganda o sa katotohanang perfect na sana ang lahat kung mahal lang ako ng lalaking katabi ko. Haay. Napangiti na lang ako ng mapakla.

"Ano naman kayang ibig sabihin ng mahabang buntong hininga ng babe ko at ang smile na...weird?"

Napasmile naman ako sa description niya, weird? haha. Feeling ko wala na, naglaho na agad yung inis ko dahil nagsmile siya. Hays.

"Wala lang. Sumagap lang ako ng sariwang hangin."

"Ahh okay." Tapos siya naman ang nag inhaaaaaale at nagexhaaaaate sabay buntong hininga na mahaba.

"Eh ano namang ibig sabihin nun?"

Bago siya sumagot, tumingin muna siya sa'kin. Yung derechong tingin. Tapos yung seryoso face na naman niya, yung wala nang naglalarong kinang sa mga mata. "Nakakapagod Happy." sabay tingin na ulit sa malayo. Oops. Seryoso nga, Happy daw eh. Hindi babe

"Nakakapagod ang?"

"Nakakapagod yung ganito. Nakakapagod gustuhin ang taong umayaw na. Nakakapagod mahalin ang taong malapit lang pero hindi mo maabot. Parang ayoko na nga eh, parang alam mo yun? parang hindi na siya deserving sa pagmamahal ko" buti alam mo "Parang hindi ko na siya mahal dahil nakakapagod." :-[

"Pero syempre, Parang lang yun."

Somebody Else's FairytaleWhere stories live. Discover now