Chapter 2

6.2K 110 19
                                    

Happy reading

___

Elyjha's point of view 

It's our vacant time. Wala kaming pasok sa isang subject na'min sa kasalukuyan. Nagkataong parehas kami ni Marsee na walang pasok. Inaya ko siya na sabay na kaming magsnacks sa cafeteria. Marsee is my walking diary at ganun din ang tingin niya sa'kin. I trust her so much just like how she trust me too. 

Nang maka-order na kami ng pagkain ay napansin kong kanina pa ito nakabusangot. Mag-iiba lang ito ng ekspresyon sa mukha kapag kakausapin ko siya pero ang cute naman niyang tignan sa eyeglasses niya. Naging maamo at hindi tumaray ang mukha niya dahil sa eyeglasses sa suot niya.

“Anong nangyari sa'yo bes?” takang tanong ko habang nakabusangot parin ang kaniyang mukha.

Umiling ito at ngumiti ng pilit. “Nanggigigil kasi ako sa mahalay na lalaking iyon.”

Kumunot naman ang nuo ko sa sinabi niya. “The who?”

Umirap siya dahil sa kaiinisan.“Glenn Marcus Fernandez.”

Natawa naman ako sa sinabi niya, iyon kasi ang isa sa kaniyang pinakaiinisan simula nung 1st year highschool palang kami.“Bakit naman?” natatawang tanong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin habang ako tumahimik na lamang.“Ayain ba naman ako sa kaniyang condo at infairness ngayon niya lang ako nakilala baka siguro akala niya isa ako sa mga marurupok na nerds.  Aba'y sa ganda kong 'to hindi niya man lang ako mapapansin. Siya nga kilala ko simula nung lumipat siya dito sa RLU eh!”

Napangisi ako sa inakto niya.“Alin ba dun ang kinaiinisan mo?  Yung hindi ka niya napansin dati o dahil dun sa inaya ka niya sa condo niya?”

Agad naman nanlalaki ang kaniyang mata.“O-ofcourse, dahil dun sa... sa inaya niya ako sa condo niya!”

Nagkibit-balikat na lamang ako.“Jeez kalma lang bes saka bilisan na natin ang pagkain.” sabi ko saka isinubo ang isang piraso ng potato fries. 

Napahinto ako sa pagkain nang biglang may tumabi sa'min. She's wearing a very short RLU skirt and a tight school uniform which made her body curved more. Napaangat ang tingin ko sakaniya, and now she's grinning from ear to ear. Napunta ang tingin ko kay Marsee na nakatayo at nakataas ang kilay.

“What are you doing here, Valerie?” mahinahong tanong Marsee habang naka-cross arms.

“Oh? Am I not welcome na?” nakangusong tanong ni Valerie, napa usog naman ako dahil sa pag-upo ni Valerie sa tabi ko. Hinawakan ko ang kamay ni Marsee, lumambot naman ang mukha niya at napaupo.

“Ba't ka nga pala napunta dito, Val?” takang tanong ko sakaniya at siya naman ay sumimangot lang siya.

“Dm and I had a little misunderstanding kanina, my friends thought that we already broke up but no, hindi ko hahayaang makipag hiwalay si Dm sa'kin. Kaya heto hindi nila ako tatanggapin kapag hindi magiging kami ni Dm ulit.” buntomg hininga niyang sabi at tipid na ngumiti.

“Don't worry I'll find a way para maayos ko ang problema ko with my friends and my Dm.” maarteng dagdag nito.

Rinig kong tumawa ng mapakla si Marsee sa sinabi niya. “Seriously?  Friends? Bakit kaibigan din ba yung turing nila sa'yo?”

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now