Chapter 39

730 24 0
                                    

Happy reading.

___

Elyjha's point of view

Tatlong araw na siyang wala. Ayaw ko naman gambalahin si Ate Sydney. Hindi naman iyon gawi ko. Tatlong araw ko na siyang pinabahaan ng texts at calls. Wala rin siya sa condo niya sabi ni Gm. I became more dull these past few days.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang inis ko dahil sa paghindi niya pagsagot ng texts at tawag ko o ang pangamba ko kung ano ang nangyari sakaniya. My thoughts went deeper. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, I tried to seek for the possibilities of what maybe the cause of it.

Ended up gathering nothing but a piece of dismay in myself. I've never been this lost in my whole life. Buti na lang at kahit papaano ay nakikinig pa'rin ako sa klase.

I suddenly remember how I look so ridiculous receiving that phone call. Si Kuya lang naman pala iyon at tinanong kung nasa akin ba ang flashdrive niya.

Naka-ilang buntong hininga na ako habang nakatitig sa phone ko. I gathered every ounce of my hope when my phone rang.

Napatingin ako sa caller at si Jm iyon. Huminga ako ng malalim bago sinagot iyon. Nakarating na ako sa bahay, it's already 6pm in the evening.

"Someone texted me." bungad nito sa kabilang linya.

Mula sa nakatihaya kong posisyon sa kama ay agad akong napaupo. I'm eager to know his whereabouts right now. Napagpasyahan kong humingi ng tulong kay Jm.

Napakagat-labi ako. "About him?"

"Yeah. Nasa bar siya simula kaninang umaga." tunog dismayado nitong sabi.

I gasped. "Anong ginagawa niya doon?"

"Hindi ko rin nga alam. But, I'll text you the location after this call. Let's meet there."

"Sige, salamat." saka pinutol ang tawag.

Dali dali akong nagbihis at nagpaalam kay Kuya. Maaga siyang umuwi ngayon dahil wala naman siyang masyadong meetings.

Napahinto siya sa pagbabasa ng dokumento. Napatitig siya muna sa'kin saka nagsalita. "Ihahatid na kita."

Umiling na lang ako. "Huwag na kuya, text na lang kita kapag nandoon na ako. Kasama ko naman si Jm."

Tinaasan niya ako ng kilay. "You sure?"

My gaze darted on the paper that he's holding. Ayaw ko siyang disturbohin. Ngumiti ako at tumango. "Opo."

I heard him sigh. Binalik niya ang atensyon sa binabasa. "Alright... Comeback home safely."

Pumara ako ng taxi malapit sa labas ng subdivision na'min. Sinabi ko ang lokasyon ng bar sa driver. Hawak-hawak ko ang kaba ko ngayon. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari sakaniya. Tungkol ba ito kay Mat?

Guilt crept onto my system. Wala naman akong binitiwang masasakit na salita noong nag-usap kami tungkol doon diba?

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako mapapakali sa kinauupan ko dahil sa lalim ng pagka-isip. Pasulyap-sulyap ako sa driver, parang gusto ko siyang padaliin.

Buong byahe akong may malalim na pag-iisip. Agad naman akong ng bayad pagkadating doon. I texted Kuya for an update. Jm texted me beforehand, hindi na daw siya magdadala ng sasakyan.

Alam niyang lasing si Dm kaya siya ang magd-drive ng sasakyan nito. Natanaw ko siya sa malayo na nakatutok sa phone niya. Inangat niya ang ulo at doon ko napagdesisyunang kumaway sakaniya.

Nakita niya ako kaya ibinulsa niya ang hawak niyang phone at tumungo sa'kin. May bahid din na pagkabahala ang mukha niya kay Dm.

"Hi." I greeted him casually. I pressed both of my lip before saying anything. "Nasaan daw siya?" simula ko.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon