Chapter 41

737 21 0
                                    

Happy reading.

____

Elyjha's point of view

Papalabas ako ng campus ng biglang sumabay si Jayla at Marsee sa akin. Inakbayan nila akong dalawa habang hawak ko ang dalawa kong libro.

"Saan ang punta ni Ingrata today?" panimula ni Jayla.

Diretso lang ang tingin ko sa daan bago nagsalita. "Sa hospital."

Narinig ko ang buntong-hininga ni Marsee. "Kakabisita mo lang kaninang lunch time ah? Give yourself a break atleast."

Umiling ako at hindi pa rin nag-abalang tumingin sakanila. "He needs me there."

"Jeez! Nandoon din naman ang pamilya niya. Saka wala ka na masyadong tulog sa loob ng dalawang linggo!"

Napahinto ako at hinarap sila. "Ayos lang kaya ko pa naman. Bukas na lang." I said in a flat tone.

I don't want to waste time. It's been two weeks since he's in coma. Ang sabi ng doctor ay nabagok ang ulo niya. It wasn't that severe as what he told us. Ngunit hindi muna ako nagpakampante. Before the news spread, his family paid all the media to hide the incident and shut up. Wala rin naman masyadong may nakakaalam sa escuelahan, palaging tinatanggi ng guro ang tungkol dito.

I don't want to disappoint myself again. Ang alam ko lang ay may tiwala akong gigising siya. Hindi na rin ako gaano nag-aalala tulad ng isang linggo ko sa hospital. Doon na rin ako nag-aaral at nagr-review paminsan-minsan.

Hindi ako nawawalan ng kwento pagdating sakaniya kasi mabuti daw iyong kapag kinakausap mo siya.

Naalala ko noong una ko siyang nakitang nasa ganoon ang lagay ay muntik na akong mahimatay. I can't stand seeing him so vulnerable, ang tanging ginawa ko lang ay umiyak ng umiyak. Ngayon lang din ako ng dasal ng todo. I desperately want to wake him up.

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang kalagayan niya ngayon. Kakapasok ko lang sa loob ng ICU at nasa labas naman ang pamilya niya.

Napatitig ako sa mechanical ventilator na nakasuporta sakaniya bago napaluhod at pinagmasdan siya.

I reached out for his hand. Hinawakan ko iyon gamit ang dalawa kong palad. Nilagay ko iyon sa pisnge ko.

"Gising kana please..." I desperately whispered.

I placed his hand on my chest. "Nararamdaman mo ba ngayon kung gaano kalakas ang pintig ng puso ko?" mahinang sambit ko.

"That shows how much I love you." nanginginig ang boses ko dahil dahan-dahang paglabas ng luha ko.

"So please if wake up for me... Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag wala ka." my voice cracked as despair was crawling in to my mind.

Nanghihina akong lumabas sa loob ng ICU. Binati ako ng isang yakap na mula kay Ate Sydney, agad ko namang tinanggal ang mask ko.

"Hope you're pretty fine." bulong ni Ate Sydney saka kumalas sa yakap. Noong unang dating ko dito ay nadatnan kong umiiyak ang mommy ni Dm. Halata naman sa mukha ng kaniyang ama ang labis na kalungkutan. Si Ate Sydney naman ay todo ang hagulgol.

I smiled a bit. Nagpaalam muna ako para hubadin ang suit at gloves ko. Pagkatapos nun ay bumalik naman agad ako.

Inaya niya akong umupo kaya sumunod na din ako. Nilagay ko ang dalawa kong palad sa tuhod habang nakaupo.

"I suggest you should rest, Elyjha. Ngayon ang dating ni Lolo Trix kaya medyo madami-dami ang magbabantay sakaniya." aniya saka hinagod ang likod ko.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt