Chapter 47

838 32 1
                                    

Happy Reading.
___

Elyjha's point of view

Lahat ng mata na'min ay nasa kaniya. He also got shocked by what he saw. Nagkatitigan kami ni Jm ng ilang sandali bago nilipat ang tingin kay Dm. Kumunot ang noo niya at bago pa man ito magsalita ay inunahan ko na.

The whole mood became stiff!

"Didn't you have work today?" I almost stammered when I asked him.

Binalik niya ang tingin sa'kin. His eyes are asking for explanation. "Uh... The manager called me."

Nilingon ko si Manager. I'm waiting for his words. Tumikhim ito bago magsalita. "Yes, I'm sorry but I really had to call your boyfriend."

His eyes were seem apologetic. Ayaw ko pa naman gambalahin si Jm, pero hindi naman kasalanan ni Manager iyon. Nataranta na rin siya siguro sa nangyari. Hindi na ako nagtanong pa at tumango na.

But.. What did he say? Boyfriend?

Kumunot naman ang noo ko. "He's-"

"What happened to her, manager?" putol nito sa sinabi ko.

Napalunok ako ng sariling laway. "I-i just-"

Great! I didn't have the time to clear things before it's too late! Sumabat na naman si Manager.

"N-nadulas pero may doctor naman. Mr. Luzuriaga called someone to check her up."

Nawala sa isip ko ang dapat kong sabihin ng mailipat ko ang tingin kay Dm. Seryoso pa rin ang titig nito ngunit hindi iyon nakatingin sa'kin. Sinundan ko kung saang direksyon iyon. Namilog ang mata ko. They're throwing stares at each other. Matalim na titig ang pinupukol ni Jm habang si Dm naman ay kalmado labg nakatingin sakaniya.

Alam kong may galit din ito si Jm kay Dm. They were once best friends, at sa isang iglap ay maglalaho lang ng parang bula. Naalarma ako sa batuhan nila ng titig. The tension is starting to rise up!

Hindi ko alam kung epektibo ang gagawin ko pero gusto kong subukan.

"A-aray..." kunwaring daing ko upang makuha ang atensyon nila.

Napalingon na man sila sa akin. Nagtagumpay din ang plano ko. Hindi lang sila naalarma kundi pati ang doctor.

Lumapit silang dalawa sa akin. Shane began to ask about my condition. Buti naman at seryoso na ito. Nakaramdam ako ng kaunting pawis sa noo. Napadaing si Shane at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Excuse me. As fas as I can remember, hindi kayo kasali sa check up. We're both sweating for pete's sake here."

Lumayo naman ang dalawa dahil doon. Pinatalikod ako ni Shane sakaniya upang masuri ang likod ko. Nagtagal iyon ng halos tatlumpong minuto. Hindi naman daw masyadong seryoso ang natamo ko. May naipit lang daw na ugat. She advised me to have some rest. May inirekomenda din siyang pamahid upang mabilis akong gumaling.

"Thank you for everything, doc," pasasalamat ni Jm.

Ngumiti lang ng matamis si Shane. "My pleasure uh... Mr?"

"Call me 'Jm' instead," kung hindi lang ito mapagmahal sa trabaho ay iisipin kong naglalandi sila. Sana nga naglalandi, para naman kukulay ang buhay nitong bestfriend ko.

"Oh... My pleasure, Jm."

Hindi na nagsalita si Jm. Hinarap niya ako habang nakaupo pa rin ako sa sofa. I smiled at him.

"You can walk?" tanong nito.

Napanguso ako at umiling. "Hindi e. Medyo masakit pa."

Napabuntong-hininga siya sa sagot ko at iniyuko ang katawan sa akin. Muntikan na akong mapatili sa bigla niyang pagbuhat, buti na lang at napahawak agad ako sa bibig para pigilan iyon.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now