Chapter 38

800 19 0
                                    

Happy reading.
__

Elyjha's POV

I woke up 8:30 am in the morning. Panibagong weekend na naman ang haharapin ko. Pagkabangon ko pa lang ay agad kong hinanap ang phone ko.

Lumitaw ang pangalan niya sa notification ko. Hindi mapigilang ngumiti.

I had 3 miscalls from my boyfriend. Naalala ko tuloy ang nangyari noong nakaraang linggo.

"W-what was that?" nanginginig niyang tanong habang may bakas pa rin na gulat sa mata niya.

Uminit ang pisnge ko. "Boyfriend na kita." sagot ko.

Nalaglag ang panga niya at ilang segundong hindi nakapagsalita. Napailing ito pagkatapos at napamura. "Are you serious?"

Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. "Mukha ba akong nagbibiro?"

"B-but you are p-pabebe." halos bulong niyang sambit.

Umirap ako. "Oh edi 'wag." pagmamataray ko at kunwaring tatalikuran siya.

"Wait." sabay higit sa braso ko dahilan upang mapangiti ako.

"Ano?" pagmamataray ko kahit na nagpipigil ng ngiti.

Kitang-kita sa mata niya ang pagkalito sa nangyayari. He stared at me for awhile. Napahilamos siya sa mukha niya bago magsalita ulit.

"You are not joking, right?"

Sumimangot ang mukha ko. "Seryoso nga!"

"Are you sure?"

"Anong akala mo sa'kin clown? And... Wala na akong planong patagalin pa 'to." dahilan ko saka unti-unting ngumiti.

"Are you sure about what you feel towards me? I mean..." hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Oo mga kasi... Teka! Bakit parang hindi ka masaya? Sinasagot na kita ah?" nakataas-kilay kong tanong saka napahalukipkip.

"Ofcourse I am! I just can't believe it!" nanlambot ang mukha ko ng sinabi niya iyon.

Walang pasabi ko siyang niyakap ng mahigpit. "I've never been this sure in my entire life. So trust me, okay?" I said softly.

"Damn, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo." he whispered.

Niyakap niya rin ako ng mahigpit at kumawala. Ngumiti ako at tinignan siya. Lumabas ang butil ng mga luha sa mata niya.

I laughed gently as I wipe off his cute tears. "Why are you crying?"

"I'm just so happy! Why are doing this to me huh?"

"And you know why." sagot ko.

"So are we official now? Should we wait for your brother and tell him about us?"

Napailing-iling ako at tumawa sa inakto niya. "Kumalma ka nga! You're tired, we'll tell him next time about us next time or maybe tomorrow."

"Right..." sagot niya saka tinitigan ako.

He smiled and wipe his remaining tears. He gently brush my hair.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now