Chapter 37

855 30 0
                                    

Happy reading.
__

Elyjha's point of view

Days went blur, nagpatuloy siyang manligaw sa akin. Isang buwan na ang nakalipas mula noong kami ikinasal ngunit hindi pa rin kumukupas ang pagpursigi niya para masagot ko siya.

We dated secretly, iyon ang naging mas komportable sa amin. Today is another weekend for us. I always feel excited when Saturday and Sunday comes. Tunog palang ng kampana tuwing biyernes ay natutuwa na ako.

I already ate my breakfast and I'm done taking bath of myself. Ang tanging hinihintay ko na lang ay si Dm. Patungo na raw iyon dito. Napag-isipan kong magpaalam na lang kay kuya at doon maghintay sakanya sa labas.

Napangiti ako nang makita ang sasakyan niya mula rito sa malayo. Pumarada ang sasakyan niya sa tapat ng bahay na'min at binaba ang windshield ng shotgun seat niya.

Nakahalukipkip ako. "Hop in." napairap lang ako at tumawa ng bahagya.

Tumawid ako at binuksan ang pinto ng shotgun seat. "Good morning." bati niya nang makasakay ako.

"Good morning, sigurado kang ayos lang sa'yo?" panigurado ko. Pupunta kami sa isang dog shelter.

Ideya ko kasi 'yon, kaya wala siyang magawa kahit na malayo ang loob niya sa mga aso.

"Stop asking me about it, as if I have a damn option." masungit niyang sabat.

Umagang-umaga, high blood agad. Nagkibit-balikat lang ako at hindi na nagsalita pa.

As we arrive there at the dog pound, agad kaming sinalubong ng iilang staff doon. Dati pa namin ito pinagplanuhan. Hindi mo naman kailangan mag-donate para makapunta dito.

I really want to experience sharing my time with them. Ewan ko lang sa kasama ko.

Nilapitan kami ng manager. He introduced himself as he extended his arm at me, welcoming a shake hand. Tatanggapin ko sana 'yon kaso naunahan ako ni Dm.

May bakas na gulat sa mukha ng manager, pati ako ay medyo nagulat rin sa ginawa niya. "Nice to meet you, sir." bigkas ni Dm.

"Uh... Nice to m-meet you too..." nalilitong sagot ng manager. Nilingon ako ng manager.

"Salamat sa itong donasyon na ibinigay, Ms. Adillos." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano daw? Donation?

Wala naman akong na-idonate ah?

"P-po?" nagtaka ang manager sa inasal ko. Nagpalitan kami ng tingin saka sila ni Dm.

Nagtagal ang tingin niya doon kaya nagtaka na rin ako. Nanlaki ang mata ng manager saka umubo ng kaunti.

"N-nevermind." he fiddled, letting out an awkward laugh. Hindi nagtagal ay nagpaalam ito na umalis na.

Tinulungan kami ng iilang tauhan sa shelter. Pinangarap kong pumunta rito dati pa lang. Gusto kong maranasan ang pag-aalaga ng aso. Bawal kasi ang aso dati sa'min, my mom was allergic to dogs. Wala akong nagawa kundi mangarap na lamang magkaroon ng aso.

Nagbabaka sakali rin akong may maaampon akong aso dito. We poured our 4 hours time playing with them. Marami akong natutunan tungkol sakanila. May nabuo akong pundasyon sa mga asong ito.

But still, hindi pa ako sigurado kung mag-aampon ako. Saka na siguro... Hmmm...

"Gusto mo bang bumalik ulit doon?" simula niya. Kakaalis lang namin doon. Patungo na kami sa sementaryo, bibisita kami sa mga mahal ko sa buhay.

Napanguso ako at tumango. "Yeah, ikaw ba?" balik ko.

He shrugged his shoulder. "If you want to... Then, I'll come with you."

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon