Chapter 51

908 22 0
                                    

Happy reading

__

Elyjha's point of view

"T-that's it?" pabulong kong tanong sakaniya. Tumingala ako at pinunasan ang tumulong luha sa mata ko.

He's blaming himself because of that tragedy? Ganoon ba kababaw sa akala niya ang pagmamahal ko sakaniya? Oo. Nagulat ako sa nangyari kay Mat. Nakakalungkot na marinig iyon, ngunit ang pinakamasakit sa lahat ay hindi niya ako magawang pagkatiwalaan.

His bloodshot eyes remained staring at me. Tanging titigan lang ang nanaig sa aming dalawa.

"You're blaming yourself for it?" hindi ko makapaniwalang tanong sakaniya.

"Yes and I don't deserve anything from you," mahinang sambit niya.

Napailing ako at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko. "You didn't trust my love for you, didn't you?"

He remained silent. I shook my head for the second time.

"Of course, you didn't. Kaya nga humantong tayo sa ganito diba?" mapait kong sabi.

"Elyjha, listen. I killed him and I knew you would hate me because of this," nanginginig ang boses niya ng sinabi niya iyon.

Pinaninindigan mo talaga 'yan?

Napayuko ako at nag-isip bago iangat ang ulo. "Yes, I hate you."

"I know," ramdam ko ang pait sa kaniyang boses ng sinabi niya 'yon.

"I hate you for leaving me. I hate you for thinking how weak my love for you is." I said miserably.

Kailangan pa talaga humantong sa ganito? Dapat hindi ganito ang akto ko. I also need to understand his situation. Ang sakit isipin. I lost Mat and the most painful thing was he suffered alone! He blamed himself for Mat's death. Kahit anong anggulo hindi ko maipasok sa utak ko na kasalanan niya iyon.

"Then what do you want me to do? You want me to stay with you even if it will hurt you?" nakakatawa kasi paulit-ulit niyang sinasampal na sa akala niya ay ganoon na kababaw ang pag-intindi ko sakaniya.

Suminghap ako ng hangin upang kalmahin ang sarili ko. Dahan-dahan na ring tumutuyo ang luha sa pisnge ko. "Noong nagdesisyon kang iwan ako, hindi mo ba naisip na mas lalo akong masasaktan? Noong naisipan mong magsinungaling sa akin hindi mo man lang ba naisip na magagalit ako ng todo?"

Napailing-iling siya. "That's why I deserve any hatred coming from you. Alam kong galit ka rin dahil sa nangyari kay Mat."

Umirap ako at muling tumulo ang luha. Hindi ko alam kung nasasaktan ba ako o maiinis sa sinabi niya. "Why do you keep on saying that? Oo alam kong masakit marinig mula sa'yo kung paano namatay si Mat pero hindi ibig sabihin noon ay kasalanan mo na! Gaya niya, nasangkot ka lang rin sa ganoong trahedya! If he didn't do it mas maaaring dalawa kayo ang mamatay."

"Because that's what you supposed to feel towards me. Ako dapat ang natamaan ng bala."

Mariin akong napapikit at napatango-tango. Hindi ko siya masisi, dahil alam kong mahirap din sa ang lahat ng ito sakaniya. He got traumatized because of what happened. Kung ikaw din naman sa posisyon niya ay siguradong mahirap.

"Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ka bumalik dito?" mahina kong tanong habang titig na titig pa rin sa mapula niyang mata.

Ilang sandali siyang natahimik bago niya masagot iyon. Humugot siya ng malalim na hininga.

"Yes," sagot niya dahilan kung bakit kumirot ang dibdib ko. I was expecting him to win me back. But no, everything changes.

I squeezed both of my lips preventing a tear to escape again. "You came back because..."

Marrying Mr. Playboy (Completed)Where stories live. Discover now