Chapter 17

4.2K 82 3
                                    

Happy reading
__

Elyjha's POV

"That jerk. Abayy malanding-malandi talaga sya!" inis na singhal ni Marsee saka padabog na pumunta at umupo sa tabi ko.

Ano kayang nangyayari sa babaeng to? nagpahangin lang siya saglit naging ganito na siya. Mukhang nadagdagan lang ata ang hangin sa ulo niya.

"Woi, anong nangyari sa'yo? Bakit galit na galit kana diyan?"

Kanina pa ito nagdadabog eh kaya hindi ko na mapigilang tanungin. Kakaalis lang rin ni Jm kasi may pupuntahan daw muna siyang importante at muntik pa siyang masinghalan ni Marsee dahil sa galit nito. Hays.

"Wala!" sigaw na sagot niya at galit na kumain ng chips.

Sumimangot ako at masyado siyang moody ngayon. "Nagtatanong lang eh, akala mo kung sinong defensive. Nako Marsee ha?"

Napansin kong kami lang din dalawa ang nandito. Ano bang farewell party 'to? Nang-iiwan silang lahat at duon nagsasaya sa dancefloor. Valerie is too busy catching up with others. Mukhang lahat ata ng tao dito kakilala niya.

Pero 'di man lang kami inimbitang sumama sakanila? Bastusan?

"We're back!"

Ay pusang gala! Andito na pala si Valerie at yung mga alipores niya.

"Friends, kilala niyo naman siguro sila?" tanong ni Valerie sa mga alipores niya at napatingin naman saming dalawa. Speaking of bastusan -I mean introducing...

"Yes of course val, nga pala I'm Tricia." pagpapakilala ni short hair na may makapal na make up.

"I'm Darlyn" pag papakilala nung isa.

"I'm Thalia." sabi nung katabi ni Tricia saka umirap naman ito. Ito iyong babaeng parati kong nakikita na kasama ni Glenn dati.

"Girl, wala pa ba si honey mo?" biglang tanong ni Darlyn.

"H-ha? B-baka maya-maya andito na siya" nauutal na sabi ni Valerie at nagmamadaling tumingin sa phone niya. "Eto na tatawagan ko na yung boyfriend k-ko." nauutal na sabi ni Valerie.

"Siguraduhin mo lang, Valerie. Ayaw ko nang sinungaling na kaibigan. I'm in relationship with the university's basketball team captain. Habang si Thalia naman ay boyfriend ang isang sikat na soccer player. If I caught you lying about your status with your current one. Hindi kami magda-dalawang isip na tanggalin ka." seryusong saad ni Darlyn.

Wait, it's not her alipores? So Valerie herself is an alipores?

Nagkatinginan na lamang kami ni Marsee. Hindi ko alam kung dedepensahan ba na'min si Valerie o hindi.

Valerie's POV

Arg! Dm asan kanaba? Mapapahiya ako sa mga kaibigan ko. Lumabas ako sa bar upang tawagan si Dm.

Dialing 'My baby'...

"Fuck. Who the hell are you? " inilayo ko ang phone ko nang bumungan ang kaniyang malakas na mura.

"Babe..." malambing na tawag ko sakanya.

"Sorry, do I know you? You must've dialed the wrong number miss." masungit na pahayag nito. Ouch.

"Babe, Imiss you. It's me Valerie," I said in a very hopeful voice. Please remember me, Dm. I've done all for you.

"Sorry, I don't remember you," aniya sa malamig na boses.

Parang may isang daang karayom na tumutusok sa puso ko nang marinig ko iyon.

"Nung kumakailan lang naging tayo. Bumalik kana sakin babe pls, hiwalayan mo na yung fiancee mo. Akin ka nalang." pagmamakaawa ko sakanya.

Marrying Mr. Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon