1 ∞ Beggining

589K 7.2K 818
                                    

Five months later..

Yumiko POV

"BABE!"

Yaa. Ayan na naman siya. Aga-aga nanggigising. Antok pa ako eh. Di ko iminulat ang mata ko. 

"Tch. Babe gising na. Papasok nako sa kompanya. Sabay na tayo mag-breakfast. Tapos kailangan ko pa ng energy booster."

=_=

Halos araw-araw ganyan si Lance. Ginigising niya 'ko tuwing papasok sa kompanya. Gusto kasi niya sabay kaming mag-breakfast. At ang energy boosters na sinasabi niyan? Kiss and hug combo from one and only, Yumiko Hayashi at his service.  

Sa nakalipas na limang buwan madami ring nangyari. Pero ang pinaka-highlight dun ay nung ikinasal ang kaibigan namin. Sina Kyle at Chelsea. Guess what? Ako ang nakasambot ng bouquet. So it means, ako ang isusunod na ikakasal? One more thing, ang nakasalo ng garter? Sino pa ba? E'di si Lance. Takutin ba naman niya lahat ng lalaki dun. 

Matapos naming magkaayos five months ago, may mga pagbabago na talaga si Lance. Hindi na gano'n kainitin ang ulo niya. Nakikinig na rin siya sa'kin. At mas lalo siyang naging korni--este sweet pala. 

"YUMIKO ABELLANOOOO!"

=_=

Si Lance maka-sigaw, akala mo may sunog eh. Isigaw pa ang pangalan ko matching his surname. Hello? Hayashi pa din kaya ako. Di pa kami kasal. 

Di ako nagpasindak. Nakapikit pa din ako. Inaantok pa kasi talaga ako. Isa pa, gusto ko talagang inisin si Lance. 

"Tch."

O_O

OMG. Walang anu-ano'y napamulat ako ng mata ko dahil...dahil..KYAAAAA! Si Lance pumunta sa ibabaw ko. Naman! 

"Babangon ka na o gagawa tayo ng baby?" He said then smirked. 

Umingos ako. "Psh. Babangon na nga. Alis!" Inis na sabi ko. Ba't kailangan talaga ipanakot 'to. Kainis!

"Haha. Good." Sabi nya saka tumayo na. "Let's go downstairs."

Nakasimangot pa rin ako. Hindi muna ako bumangon. Nag-inat-inat muna ako. 

"One.."

Aish! Binibilangan ako. Si Lance talaga oh! "Eto na!" Sigaw ko. 

Kase 'pag binibilangan niya ako at umabot ng three, kinikiliti niya ako hanggang mapaos ako kakasigaw. Baliw talaga 'yan si Lance. Mula nung magka-ayos kami, ang daming kalokohan sa katawan. 

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now