Epilogue

228K 5K 372
                                    

Epilogue



"AAAHHHHH! ANG PERVERT MO TALAGA LANCE ABELLANO!"



Natataranta na si Lance dahil nanganganak na ang asawa niyang si Yumiko. Hanggang sa panganganak, siya ang isinisigaw nito. Napangiti nalang siya kahit kinakabahan siya.



Pangatlong beses na, but still iisa pa rin ang pakiramdam niya.



"Push pa Misis!" Sigaw ng doctor.



"AHHHHHH! Hindi ka na makakaulit saken Lance! Ahhhhhh!"



Hindi malaman ni Lance kung matatawa siya sa isinisigaw ni Yumiko. Ngayon pa ito nagreklamo, eh pangatlo na nila iyon.



At masaya siya na sa tatlong beses na panganganak nito, ay siya ang nasa tabi nito. 


"AAHHHHHHHH!!!"


Uwaaa! Uwaaa!



"It's a boy!"



Hindi maalis ni Lance ang ngiti niya sa labi nang marinig ang gender ng bago nilang baby. Kusa kasi nilang hindi inalam ang gender nito para daw surprise, and there he's happy na dalawa na ang lalaki niya at mayroon silang isang little princess.


"I love you, wife. Thanks for giving me another angel." Bulong nya kay Yumiko.



Ngumiti lang ng bahagya si Yumiko sa kanya dahil na rin siguro sa panganganak. Mabuti na lamang at normal ang panganganak nito.


Ilang minuto ang nakalipas. Iniwan niya muna sa kwarto si Yumiko. Kailangan pa nitong magpahinga.



Pumunta siya sa nursery kung saan naroon ang baby nila.



He's handsome..



"Ano pong pangalan ng baby sir?" Tanong ng nurse na lumapit sa kanya.



May hawak itong parang papel na nire-record ang information about the new baby.



Napangiti siya. Napag-isipan na nila iyon ni Yumiko, naghanda na sila ng panlalaki at pambabaeng pangalan.


"Rance Yul Abellano."



*
A/N : Ulit? Lol. Tapos na talaga so ayun. Wag po kayong maghanap ng book 4 dahil wala na. Next generation na po ang aabangan niyo. Thanks ulit guys.



Tweet nyo mga thoughts nyo about MY 1-3. Hashtag natin #MYTrilogyEnd

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now