17 ∞ Padlock

276K 4K 881
                                    

Shawn POV

Next plan..

I knew it. Kayang-kaya kong makuha si Yumiko. Gagawin ko lahat makuha lang sya. Hindi ako desperado, sadyang---

Phone beeps. 

From : Blah Blah Blah

3 days.

-end-

O. Tsk. Three days nalang pala at uuwi na si Abellano. Kailangan ko ng isagawa ang lahat para makuha si Yumiko bago pa man umuwi si Abellano galing US. 

Wahahaha. This is going to be fun!

--

Yumiko POV

Halos maghapon akong nagkukulong dito sa kwarto. Di ko na kase alam ang iisipin ko. Sa tuwing tutunog ang phone ko, yung kaba sa dibdib ko, hindi mawala. 

Natatakot talaga ako sa maaaring gawin ni Shawn. Hindi siya pang-karaniwang tao. Gangster sya. 

Naaalala ko nung party ni James. Nakita ko na hindi sya takot kay Lance. Ano bang dapat kong gawin? Ayokong umuwi si Lance na pino-problema ko pa rin ang bagay na'to. 

Krrrrinnngg..

O____O

Dug, dug..

Parang ayokong tingnan kung sinuman ang tumatawag. Baka si Shawn na naman..baka..

Mandy calling..

Hah! Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Hindi si Shawn. Hindi sya. Daig ko pa ang na-trauma dahil sa kanya. 

"H-Hello.."

[Thanks Godn you answered my call. How are you? Nasaan ka? Nakauwi ka ba kagabi? Sorry talaga Yumiko. Hindi ko sinasadyang maiwan kita sa Spade bar kagabi kas---]

"Its okay. Wala kang dapat i-hingi ng sorry." Sabi ko. Wala naman syang kasalanan. Kasalanan ko dahil nagpaka-lasing ako. 

[Sigurado kabang okay ka lang?]

Nasa tono ko ba ang hindi okay? Walang dapat maka-alam nang nagyari kagabi. Iso-solve ko 'tong mag-isa. "Yeah."

[Okay good. I'll hang-u]

"Hm."

*toot toot*

Mission, kailangan pag-uwi ni Lance, wala na yung problem kay Shawn. Mapapaki-usapan ko naman siguro sya. Ayokong magkaroon na naman kami ng pag-aawayan. Ayokong maulit yung mga nangyari noon. Ayoko ng masaktan..ayoko ng..iwan at balewalain ako ni Lance dahil kapag nangyari pa yun this time, baka hindi ko na kayanin. 

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now