10 ∞ Expect The Unexpected

370K 5.8K 1.1K
                                    

Yumiko POV

"YUMMMIIIII!!!!"

O_______O

Oh my god! Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sigaw na iyon. 

Napatakbo tuloy ako sa may pinto. "Ano yon?" Tarantang tanong ko. 

"Hello Yumi!"

=____=

"Seriously bubwit? Kelangan talaga sumigaw? Aish."

"Like errr! It's so kanina pa ako kumakatok and you didn't open the pinto naman. And I though na baka you're natulog so yeah, I make sigaw nalang."

Napakamot ako sa ulo ko saka umupo sa kama. Pumasok din dito sa loob ng kwarto si bubwit. "Why ba?" Tanong ko. 

"Like duh! You make kalimot. I have party to attend and I will make sama you."

=_=

Natatamad ako. Oh geez. "Kailangan ko ba talagang sumama?"

"GRRR! Reid will not make payag if you are not kasama. You know naman. They're so OA talaga."

Psh. I remember again. Lance being cold kanina. Hays. Siguro nga, mas magandang magsaya nalang ako sa kung saang party man kami pupunta. Bahala na si Lance. Wala pa rin nga sya eh. Hindi ko na talaga sya maintindihan. 

"What should I wear?"

"It's a party kaya. Aha! I know right. I make pasama kanina kay Patrick to go shopping ng isusuot. Then I make isip na ibili ka. I'll give it to you, you make hintay lang."

=_=

Tumakbo palabas si bubwit. Buti naman ibinili nya ako. Hindi ko na kailangang mamili sa mga dress ko kung anong isusuot ko. Sa totoo lang, medyo natatamad talaga akong umalis dahil wala ako sa mood. 

Naaawa naman ako kay bubwit. Di sya papayagan kung mag-isa lang syang aalis. Di bale, magsasaya nalang talaga ako mamaya. 

"Hey Yumi, here na oh. It's so maganda like me!" 

Inabot nya saken yung paperbag. I check what's inside and there. Ang ganda ng dress. 

Mini dress na color white then pa-tube siya. Basta ang ganda. 

"Oh, I make handa na. You too, okay?"

Tumango ako. "Sige na."

Lumabas na sya ng kwarto. Ni-lock ko na ang pinto at nag-stretching muna. Medyo nananakit pa ang katawan ko. Nakatulugan ko na pala kanina ang pag-iyak. 

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now