18 ∞ Revelation

355K 5.7K 2K
                                    

Shawn POV

Nagulat ako nang malaman kong bukas na agad ang balik ni Abellano. Tch kaya kelangan ko tuloy na i-rush na pakasalan si Yumiko. 

Bakit ba pa-iba-iba yun ng schedule? Una one week tapos three days tapos kanina malalaman ko, babalik na sya bukas? Tch. 

Ayos lang. Na-ihanda na naman ang lahat. Bride nalang ang kulang. Napangiti ako. Galing ko talaga! Success ang plan ko. Wala eh, Shawn David 'to. Nga pala, di pa kumakain si Yumiko. 

Dinampot ko ang plastic ng pagkain galing fastfood saka pumunta sa kwarto kung saan nakakulong si Yumiko. Hindi sa kagustuhan kong i-kadena sya pero kailangan dahil baka tumakas pa sya. Mahirap na. 

Binuksan ko ang pinto at binuksan ang ilaw. Naabutan ko si Yumiko na umiiyak. Tch. I hate seeing her crying. Ayoko ng ganito. Nakakapanghina ang umiiyak na babae. 

--

Yumiko POV

Umiiyak ako nang biglang bumukas ang pinto. Sino pa ba? Yun lang naman yung taong kasumpa-sumpa. 

"Here. Kainin mo." Sabi ni Shawn saka inabot saken ang plastic.  Tinanggal muna niya ang posas sa kamay ko. 

"Damn you." Galit na sabi ko. Pero parang wala lang sa kanya. He's still smiling. Damn, he's crazy. 

"Kainin mo na 'to ha? Matulog kana din maya-maya. Kailangang maging maganda ka bukas sa kasal natin."

=_=

"Kasal your ass."

Napagod na ako kakaiyak kanina. Alam ko naman na kahit lumuha pa ako ng dugo, walang mangyayari. Wala akong matawagan dahil wala akong phone. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Isa lang nasa isip ko, ang makatakas dito. 

"See you tomorrow my lady." Sabi ni Shawn saka lumabas na ulit sa kwarto. 

Buti hindi nya pinatay ang ilaw. Gabi na at natatakot din naman ako. Shit. Bakit kase kailangan ko 'tong maranasan?

Nung una nagka-problema kami ni Lance dahil sa family war. Then dahil kay Enrique at Trigger. Tapos ngayon? Dahil kay Shawn na may sira sa ulo. Grabe lang. 

Tiningnan ko yung pagkain sa plastic. Gutom na din ako. Maghapon akong hindi kumain. Kailangan ko ng lakas. 

Kinuha ko yun at nagsimula ng kumain. Kung bukas, ikakasal kami ni Shawn, saan? Sa simbahan? So ayun tama, kung dadalhin nya ako sa simbahan, may pagkakataon akong tumakas. Yeah I really need more energy kaya pagkakain ko, tutulog na rin ako mamaya. 

Akala mo Shawn ha? Matapang ako! Kailangan kong maging matapang. 

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now