13 ∞ Enjoy The Night

341K 4.7K 333
                                    

Yumiko POV

Paalis na bukas si Lance. Nag-aayos na siya ng mga damit at gamit na dadalhin niya sa US.

"Tch. Babe, don't give me that look. Com'on, tulungan mo nalang ako kesa nakasimangot ka dyan." Puna ni Lance saken.

Nakatayo kasi ako dito sa may pinto habang nakasimangot na pinapanood syang mag-ayos ng mga gamit niya.

Padabog akong lumapit sa kama namin. Naupo ako at tumingin kay Lance. "Parang excited kang umalis. Gusto mo talagang iwan ako." Nag-pout pako.

He look into my eyes. "Wag kang mag-isip ng ganyan. I'm not excited. After this business deal, maaasikaso na natin ang kasal natin kaya nakangiti ako. Na-e-excite ako na umalis na para makabalik din ako agad."

"Really?"

Tumango siya saka ako bahagyang niyakap.

"Call me everyday." Paalala ko.

"Yeah. Ikaw, i-text mo saken lahat ng gagawin mo, okay? I want to be updated sayo."

"Masusunod, babe." Sagot ko.

"Good. Tatapusin ko lang ang pag-e-empake and then, mag-aayos na tayo para sa birthday ni James."

Birthday ngayon ni James. Dito ang handaan sa mansyon. Pero mamayang gabi pa naman ang party. Kelangan lang namin paghandaan kase hindi lang sya basta birthday party. Maraming invited na bisita.

Habang nag-aayos si Lance, nag-check muna ako ng phone ko.

1 message recieved

I open the message at na-curious ako nang unregistered number ang lumabas.

From : +639279876543
Hey Yumiko. Invited ang kami sa party ng kapatid ni Lance Abellano. See you tonight :)
-end-

Sino naman 'to? Gusto ko sanang replyan pero parang ayoko. Bahala sya. Di ko siya kilala saka malay ko ba kung isa lang yan sa Tigers. Hindi ko nalang re-replyan.

"Babe."

"Hm?" Sagot nya habang abala sa pag-aayos. Hindi man lang ako tiningnan. Hmp!

"I love you." Bigla ay sabi ko.

He smiled at me ang grab me. "Tch. Naglalambing ang asawa ko. I love you too."

Bakit ganon? Parang ang bigat ng dibdib ko na aalis si Lance? Parang may something. Hindi ko lang ma-pin-point pero masama ang kutob ko.

Mali sana 'tong nararamdaman ko. Think positive dapat. Walang mangyayari. Magiging maayos ang lahat. Pagbalik niya, magiging happily ever after na kami.

--

"Happy birthday James!" Bati ko nang makababa kami ni Lance dito sa garden kung saan ginaganap ang birthday ni James.

Marami ng tao pero napansin kong wala pa si Mandy. Yung babaeng tinitibok ng puso ni James.

"Thanks Yumiko. Enjoy nyo lang ang party."

"Happy birthday James. Sa susunod, dapat may ABS kana."

"Sobra Bro! May ABS naman ako. Iisa pa nga lang but still counting. Haha."

Baliw talaga si James.

May lumapit samen na medyo may-edad na babae. I didn't know her. Ngayon ko palang siya nakita. Hindi naman siguro babae ni James? Masyado ng matanda para sa kanya.

"Yumiko, my Mom, Jamie Tan. Mama, si Yumiko Hayashi, fiance ni Lance." Pakilala ni James. So siya pala yung Mama ni James.

Ngumiti saken ang ginang saka nakipag-beso. "Nice meeting you iha. Bagay na bagay kayo nitong si Lance."

Ngumiti ako. "Thank you po."

"Kumusta ang kompanya Lance? Long time no see. Lumalaki kang gwapo." Puri ng Mama ni James kay Lance.

"Ma, gwapo din naman ako." Singit ni James.

Nagtawanan kami. "Oh, siya. Aalis muna ako." Paalam ng Mama ni James.

Tumango lang kami. "James, hindi mo kamukha ang Mama mo." Sabi ko.

"Syempre. Si bro ang kamukha ko eh. Pareho kaming gwapo."

=_=

"Oo nalang. Mas gwapo pa rin sayo si Lance." Pang-aasar ko.

"Tch. Stop it. Masyado na kayong natutuwa sa isa't isa."

=_=

Grabe talaga si Lance. "Psh, sungit."

"James, may mga in-invite akong kaibigan."

"Sige lang bro. Kahit sino naman invited dito. Aalis muna ako. Susunduin ko pa ang girl of my dreams." Nakangiting paalam nya.

Landi ni James. Siguro, si Mandy yun. Pero teka, "Babe sinong in-invite mo?"

"XBang."

O___O

In-invite nya ang XBang so..kasama dun si Shawn 'diba? Mainit dugo ni Lance don eh pero bakit pa nya in-invite? Aish.

"P--"

"Brad."

O___O

Dug, dug..

Napatingin ako sa dumating. Ang XBang nga. At..at..kasama si Shawn.

Ayokong maging negative thinker pero pakiramdam ko magkakaroon ng gulo kapag nagkakaharap sina Shawn at Lance.

"Buti nakarating kayo." Sabi ni Lance at isa-isa silang tinapik sa balikat.

Maliban kay Shawn na tinanguan lang niya. Parang nakaka-sense ako ng tensyon.

"Nasaan ang kapatid mong may birthday brad?" Tanong nung XKing--sa pagkakatanda ko lang.

"Sinusundo ang girlfriend nya. Mamaya makikilala nyo ang kapatid ko. Meanwhile, enjoy the foods. Mamaya, mapapalaban kayo ng inuman dito."

Bigla akong na-OP sa kanila. Napatingin ako sa gawi ni Shawn at nakatingin siya sa'ken. Bahagya syang ngumiti. Shocks. Ano bang problema ng lalaking 'to.

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Lance ang kamay ko. "Let's eat." Yaya niya.

Hindi ko na namalayang nag-alisan na ang XBang sa harap namin at nag-kanya-kaniya ng punta sa paligid ng garden.

"Dito kalang sa tabi ko. Wala akong tiwala sa gagong Shawn na yun."

"Babe sana 'di mo nalang siya in-invite.."

"They are still my friends. Wag lang syang gagawa ng ka-gaguhan sayo, mapapatay ko sya."

Dug, dug..

Masyadong seryoso si Lance at ayoko ng ganito kase kapag ganito siya ka-seryoso, madaling uminit ang dugo nya. "B-Babe let's eat na? Wag ka ng sumimangot dyan. Smile, please? Let's enjoy this night. Aalis ka na nga bukas eh." Kunwari'y nagtatampo ako.

Napalitan na ng ngiti ang kanina'y seryoso nyang mukha. "Okay babe." He said then hugs me bago kami lumapit sa buffet table.

Nang makakuha kaming pagkain ay naupo kami sa isa sa table. Sa table pa kung saan nakaupo ang XBang. Oh geez. Bakit dito pa.

"Hey brad. Lalong gumaganda fiance mo."

O__O

Shawn, why?!

"Yeah." Seryosong sagot ni Lance. "At dahil lalo syang gumaganda, lalo kong hinahanda ang sarili ko sa maaari kong magawa sa mga lalaking aaligid sa kanya."

Dug, dug..

Waaa! I hate this. Ayoko ng ganito. Ramdam ko yung tensyon eh. Yung ibang myembro ng XBang, alam ko nararamdaman nila yung tensyon sa dalawa pero tinututok nalang nila sa pagkain ang mga sarili nila.

"Watch your mouth David." Puna nung XKing.

"Pinupuri ko lang siya XKing. Minsan lang ako pumuri ng ganda ng babae. At kay Yumiko lang yun. Para akong tinamaan ni Kup---"

"FVCK YOU!"

O____O

"Babe.." Hinawakan ko sa braso si Lance. Nagdabog kase sya at tumayo. Alam kong any minute, susugurin na niya si Shawn at bubugbugin.

Napatingin ako sa paligid. Yung ilang bisita napatingin sa gawi namin.

"David, mauna ka ng umuwi sa hide-out." Utos ni XKing. "Ocampo samahan mo yan." Seryosong-seryoso ang mukha ni XKing.

Tumayo naman si Shawn kasunod si Seth. Buti nalang umalis na sila ng tahimik.

Nakakatakot sila. Anim na gangster ang kasama ko sa mesa. Idagdag mo pa si Lance na dating gangster. Yung mga mukha nila, parang papatay ng tao. Kinakabahan ako.

Umupo na ulit si Lance. "Babe.." Teary-eyed na ako. Natatakot talaga ako sa kanila. Ayokong mag-away si Lance at Shawn dahil posibleng hindi lang basta bugbugan ang mangyayari. Gangster sila, kaya nilang gawin ang lahat at wala silang kinatatakutan.

"I'm sorry, wife."

"Ako na ang humihingi ng pasensya Abellano. Mamaya, tuturuan ko ng leksyon si David. He didn't know his limitation."

Tumungo ako. Natakot talaga ako. Hindi ito tulad ng dati kay Enrique o trigger dahil hindi sila tulad ni Shawn na gangster, ka-ugali ni Lance.

"Ayos lang. Tch. Wag lang nyang uulitin yun. Ayoko ng pinupuri masyado at pine-praise ang asawa ko sa harap ko. Makakapatay ako."

"Kalma brad. Kami na ang bahala kay Shawn." Singit ni Zaine.

"Siguraduhin nyo lang. Alam nyo ang isa sa rules ng XBang. Hindi ko alam kung pinapatupad nyo pa din yun. Walang talo-talo sa girlfriend ng isa sa myembro. Kahit ex-member nalang ako, valid pa rin ang rule na yun."

Hindi ako maka-react. Paano naman kase kung ganito ang situation? Edi mananahimik nalang ako para sa ikakabuti ng lahat. Si Lance seryosong-seryoso sya pagdating kay Shawn. Ibang iba kumpara kina Trigger dati.

"Tama ka Abellano. Makakaasa kang kakausapin ko ng matino si David. Let's enjoy this night." Sabi ni XKing.

Nagsimula na ulit silang kumain at uminom. Naramdaman ko ang paghawak ni Lance sa mga kamay ko kaya napatunghay ako sa kanya.

"I'm sorry babe. Natakot ka ba? Alam mo naman kung gaano ka-possessive ang asawa mo pagdating sayo. I love you."

Kahit papaano ay gumaan ng konti ang pakiramdam ko nang makita ang maamong mukha ni Lance. Wala na yung seryosong mukha tulad kanina.

"I love you too." Sagot ko.

"Kumain ka na. Wag mo na isipin ang nangyari. Want more foods?" Pagbabago nya ng usapan.

"A-ayos na'to babe."

O_O

He kiss me on my lips. Sa harap ng XBang. Nakakahiya.

"Cheer-up wife. Kailangan natin i-enjoy ang gabing 'to dahil aalis na ako bukas, 'di ba?"

Oo nga pala. Nawala sa isip ko, aalis si Lance bukas. Huminga ako ng malalim saka sinubukang ngumiti. "Yes. Let's enjoy this night, babe."

"Yeah. And later to our room, there will be a continuation of enjoying this night. You know what I mean. So get ready, wife." He winked at me bago itinutok ang pansin sa pagkain nya.

Waaa! Bigla namang napalitan ng kaba ang dibdib ko. Yung continuation na sinasabi ni Lance, waaaaa! Pervert talaga.

*
A/N : Shawn or Lance? Hashtag #MY3Rival

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now