2 ∞ Love

502K 5.9K 562
                                    

Yumiko POV

"Yaaaaa! Hahahahahaha. Tam--AHHHH! Tama na LANCE ABELLANO!!!"

Hingal na hingal ako. Grabe si Lance. Lakas ng topak. Sinundan niya kase ako dito sa kwarto namin tapos bigla ba naman akong kilitiin. Ang lakas lakas ng kiliti ko. 

"Now what? Tch."

Umingos ako. "Tigilan mo na ang pangingiliti sa'kin babe. Di na nakakatuwa."

"Di nakakatuwa pero tawa ka ng tawa?" Naka-poker-face na sabi nya. 

=_=

Kung hindi ba naman pilosopo. "Natural matawa ako kahit hindi ko gusto. Kiniliti mo'ko eh. Ikaw kaya kilitiin ko, tingnan lang natin kung di ka matawa. Psh."

Lumapit sya sa'kin at niyakap ako. "Okay. I'll stopped. At least I made you laugh. I love you wife."

Kanina tawang-tawa ako. Ngayon napapangiti ako sa kilig. Galing lang talaga magpakilig ni Lance eh. Simpleng 'I love you' niya lang, automatic agad akong napapa-smile. "I love you too babe." I said smiling at him. 

Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa'kin. "Babe.."

"Hm?"

Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago ulit siya nagsalita. "Gustung-gusto na kitang pakasalan babe."

Napangiti ulit ako. Actually, may pinag-usapan kami about us. Sabi namin, magpapakasal lang kami 'pag naka-graduate na sya ng college. Kahit pumapasok pa ako, basta sya dapat graduate na. Kasi gusto daw niya, 'pag kasal na kami siya na talaga ang bubuhay sa'kin. Kumbaga hindi aasa sa yaman ng pamilya namin. Sa mga pagbabago ni Lance, kasama na dun ang pagiging matured niya. 

Alam kong hindi talaga maganda ang mga pinagdaanan namin ni Lance. Ang daming nangyaring pain, happiness at heartaches. Parang mas matimbang pa nga ang disappointment na naramdaman ko dahil sa ginawa ni Lance. But its okay because it was worth it. Bumabawi na siya at pinapakita na niya ang totoong pagbabago niya. 

Sabi ko pa nga, hinding-hindi ko siya mapapatawad. Hindi ko man lang nasunod. Talaga ngang may isag tao sa buhay natin ang may exception sa lahat ng promises and rules natin sa sarili natin no matter what they do. 

"Me too. Ikaw lang ang gusto kong pakasalan babe. Alam mo yun. Kaya sana wag ka ng magseselos kung kani-kanino ha?" Sabi ko. Nagbago na siya. Di pa rin naman basta basta mai-a-alis ang pagiging seloso ni Lance pero iba naman na ngayon. He trusted me at hindi na sya nagpapadala sa init ng ulo niya. 

"Tch. I only get jealous because I'm afraid someone is going to make you happier than I do."

Ayan na naman siya. "Babe." Sambit ko saka hinaplos ang pisngi niya. "Mapasaya man ako ng iba, iba pa rin yung katotohanang ikaw ang nagpapatibok ng puso ko."

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now