28 ∞ Mango

373K 5.1K 530
                                    

[WANG WANG WANG! MAY PULIS! LOL. PINK ALERT! SA MGA MINOR, SKIP NA HA? SA OPEN MINDED NAMAN, GO BASAHIN MO! BUT PLEASE, DONT TRY THIS AT HOME. HAHA.]

Third Person POV

Saan pa ba mas mapapakita ang maigting na pagmamahal sa isa’t’isa? Hmm. Baka puwede sa malaking bathroom? 

Lihim na napapangiti na lang si Yumiko sa kapilyahan na nasa isip habang nagbabasa sila ni Lance sa shower. Binuksan niya ang gripo ng bath tub na nasa banyong iyon. Timplado ang lumalabas na tubig. Maligamgam na siguradong makakapagpakalma sa pakiramdam.

Umupo si Lance sa loob ng bath tub na parihaba ang sukat at pabilog ang dalawang kanto sa ibaba.

“Bakit ka naman lumusong na? Hindi pa nga napupuno ng tubig, o!” saway ni Yumiko sa asawa.

But Lance just sexily grinned and offered his hand. “Come here, babe. Join me.”

“Ayoko nga,” ingos niya rito. Pero sa loob-loob ay iniisip niya kung ano bang plano ni Lance.

Kumunot ang noo nito. “Bahala ka,” pagsusungit naman nito agad. Nag-slouch na ito sa loob ng bath tub. Nakasandal ang likod ng ulo nito sa isang gilid.

Tamang-tama lang ang sukat ng tub kay Lance kung naka-slouch ito na ganoon. Tuloy sa malakas na pag-agos ng tubig at mukhang matatagalan pa bago mapuno iyon.

“Hindi naman yata tayo kasya diyan. Lalo na, para kang nakahiga. Bakit mo ba ‘ko inaayang magbabad?” Medyo nakasimangot na tanong ni Yumiko. 

“Tsk. Sa tingin mo bakit? Sa tingin mo, magsi-swimming lesson tayo?” he sarcastically said.

Natawa si Yumiko. “Siyempre alam ko. Kaso, di ko ma-imagine,” makahulugang sabi niya. Diretso siyang nakatingin sa mukha nito, Masyado siyang nadi-distract sa mala-adonis nitong katawan. Ang 6-pack ABS niya. Ang broad shoulder..

Aba! Kahit sabihin pang ilang beses na niyang nakita si Lance nang nakahubad ay nasanay na siya? Hindi 'no. Hanggang ngayon nga, ramdam niya ang pamumula ng pisngi dahil nga nakabalandra sa bath tub ang asawa niyang yummy.

“Hindi na kasi dapat nag-i-imagine pa. Join me now,” he ordered.

“Eh, saan ako pupuwesto?”

Mula sa naka-diretsong binti ni Lance ay itinukod nito ang mga paa. Nakaangat na ang mga tuhod nito habang prente pa ring naka-slouch sa puwesto. His legs now wide open.

Hanggang dibdib na nito ang tubig sa tub kaya hindi niya na malinaw na makita ‘iyon’. She gulped.  May espasyo na kaya wala siyang lusot kundi magbabad na rin.

She can feel his hot gazes on her nakedness. Passion took over his gray eyes. Mas naging dark ang kulay niyon.

Marahan niyang inilublob ang isang paa sa loob at pagkatapos ay sinunod niya ang isa. Pagkuwa’y marahan siyang umupo at umangat ang tubig dahil sa ginawa niya. Dahil nasa likod niya ang nakabukas na gripo ay ramdam na ramdam niya ang pag-agos ng maligamgam na tubig. 

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now