Special Chapter 3.1

251K 4.5K 659
                                    

Yumiko POV

Gabi na. Pero wala pa din si Lance. Di rin siya tumatawag kung mag-o-overtime ba sya. Nag-aalala na ako. Lagi namang tumatawag si Lance eh. Ngayon lang talaga hindi. 

Nakapag-dinner na kami ng mga bata. Napatulog ko na rin si Yuan sa kwarto niya. Nakapaligo na ako. Wala na akong magawa. Di na ako mapakali. 

Sinubukan kong tawagan ang phone ni Lance. Nakahinga ako ng makuwag nang mag-ring 'yun. 

"Hubby?"

Kumunot ang noo ko. Maingay yung background eh. 

[Yow, Yumi? Si Ken 'to. Nasa dancefloor si Lance eh.]

Ano? Sa dancefloor? "Teka, di ko maintindihan? Bakit? Nandyan sa bar mo si Lance?"

[Oo Yumi. Kasama mga empleyado nya. Nagkakasaya nga. Lasing na ang asawa mo.]

Biglang uminit ang dugo ko. Hindi gawain ni Lance ang magpakalasing ng walang paalam sa'ken. 

"Okay. Thanks, Ken."

Pinatay ko na ang tawag. Mabilis akong kumuha ng jacket saka sinuot ko yun. Manipis na shirt lang ang suot ko at wala na akong oras na magpalit pa. Kinuha ko ang susi ng kotse at nagmadaling lumabas ng mansyon. 

Pupuntahan ko si Lance. Ano bang problema nya? Hindi naman masamang magcelebrate sila ng mga empleyado nya kung may ka-cele-celebrate man. Pero ang hindi ko matanggap, yung di man lang sya nagpaalam saken. Di man lang sya tumawag. 

Ilang saglit lang ay nakarating ako dito sa bar. As usual, maingay. Maraming tao. Nakashorts lang ako at shirt na manipis na pinatungan ko ng jacket. 

Pumasok ako ng entrance. Nagkakagulo sa dancefloor. Maraming tao. Pilit kong inaninag kung nasaan si Lance. 

At sa isang iglap, tumigil ang ikot ng mundo ko nang matapat ang tingin ko sa lalaking may kasayaw na babae sa dancefloor. Ang intimate nila. Nakahawak ang lalaki sa katawan nung babae. Magkadikit ang mga katawan nila. At..naghahalikan sila. 

At ang lalaking yon? Ang asawa ko. Si Lance. 

Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. 

Lumapit ako sa kanila ng buong tapang at tatag. 

"Holy shit!" 

Alam kong isa sa tigers ang sumigaw na yun. Naiinis ako sa kanila dahil hinayaan nila si Lance--na makipaglandian sa ibang babae. 

Tumigil ako sa harap nila. Nakaramdam ang ibang nasa dance floor kaya napatigil sila. Narinig ko rin na parang pinapatay ni Ken ang malakas na sounds. 

MY 3: To Infinity And BeyondWhere stories live. Discover now