Chapter 1: Class President

21.6K 577 174
                                    


"EH GAGO KA PALA EH!"

"MAS GAGO KA!!!"

At ayun, nagsuntukan na sila.

Haaay ano ba yan. 7am pa lang nagaaway na agad sila>___<

Nagmadali pa ako sa klase galing bahay tapos eto lang pala ang madadatnan ko. At hindi pa ako nagbebreakfast!

Wala na akong magagawa, kelangan ko na naman silang pigilan bago pa dumating ang teacher namin.

Kainis.

Dapat nga di ako ang gumagawa nito eh! Ang dami kayang position sa klase! Pero bakit ako na lang lagi ang gumagawa? Di lang class president ang dapat laging gumagalaw dito ahQ___Q

Tapos pag nagkaproblema sa klase, ako lang ang papagalitan ng teacher. Nasan ang hustisya?

Teka, nasan ba yung sergeant at arms namin?!

"Hoy nasan ka Kevin?!" sigaw ko sa klase.

". . .Kaya mo na yan. . . ms. President. . ZzzZzZZ"

Tulog ang sergeant at arms namin.

.

.

.

.

T___T

Haaay.

*breathe in*

*breathe out*

Ok!

Kaya mo yan Yumi!

"Hoy! Tama na nga yan!"

*pak!*

Ganern.

Binatukan ko silang dalawa.

Nagets niyo? Pak ganern? Hahahah!

. . . . . . sige na nga, corny na T3T

"Aray!" sabi nilang dalawa.

Si Gab at Leo, dalawang kaklase ko. Parehong pasaway kaya ang hirap nilang pakiusapan pag nagaaway sila.

"Ano na naman ba ang pinagaawayan niyo?" sabi ko.

Teka, bakit nasa likod ni Gab yung kaliwang kamay niya?

Hmmm. . . may tinatago siguro to ah.

"Hoy Gab, patingin nga ng isang kamay mo?" sabi ko.

"Eh kung ayoko?" sabi niya.

Kainis naman! Para akong may kausap na elementary student nito>___<

"Hindi kita pakokopyain ng assignment sa english. Diba sabi ni maam pag hindi ka na naman nagpasa ng assignment, ipapaguidance ka niya raw?" sabi ko.

"Ang daya! Power tripping yan ah!" sabi niya.

"Bahala ka, hindi kita pakokopyain" sabi ko.

Alam kong masama magpakopya pero ayoko naman silang maexpel.

Iniisip ko na lang na teamwork to kahit ako lang naman ang nagwowork talaga.

"Oh, eto na!" sabi niya, halatang naasar.

Tinanggal niya yung kamay niya sa likod niya at pinakita sakin yung hawak niya.

Ha?

"Ano yan?" sabi ko.

"Bulag ka ba? Cupcake yan oh" sabi ni Gab.

"Alam kong cupcake yan noh! teka. . . yan ba yung pinagaawayan niyo?" sabi ko.

Class A vs. ZWhere stories live. Discover now