Chapter 10: No Choice

7.8K 323 101
                                    

Ako? Section A?
.
.
.
.
Ahhh gets ko na.

"Hahahah grabe naman po kayo ma'am" sabi ko habang tumatawa.

"Nge!" pabiro kong sinabi sabay taas ng kamay ko. Diba yun yung sinasabi nila sa wow mali?

"Anong nakakatawa" sabi ni Principal Flores habang nakataas ang isang kilay. Magaling din pala umacting si ma'am, pwede na bigyan ng oscars.

"Izza prank! Ok na po ma'am, gets ko na po kung anong nangyayari. Nasan na yung mga camera?" lumingon ako bigla at hinanap yung hidden cameras. Sana pala naglagay muna ako ako mg liptint.

"What are you talking about, Ms. Sanico?" sabi ni ma'am.

"Hindi po ba nasa wow mali ako? O prank lang po talaga to?"

Naramdaman kong biglang nagalit si Principal Flores sa akin.

"Ms. Sanico, seryosohin mo ang mga sinasabi ko sayo! Bukas na bukas, lilipat ka na sa section A" sabi niya.

Ha?

Ano raw?

"Hindi po ba talaga kayo nagjojoke?" mahina kong tinanong.

"Muka ba akong nagbibiro?" mukang nauubos na ang pasensya ni ma'am sa akin.

Eh kasi naman! Sinong di maga-akala na nagjojoke siya eh galing akong section Z! Masyadong malaki ang level up nun! Parang from watta tops naging triple chocolate cake, ganung klaseng level up.

"Ma'am, marami pong Sanico sa school, baka ibang Sanico po yan" sabi ko, nagbabakasakaling hondi talaga ako yung Sanico na sinasabi niya.

"Are you telling me that I'm stupid?" sabi ni ma'am. Wala na ata akong tama na sinasabi sa kanya. Bakit ba kasi ang hirap mag-explain sa principal?

"Matataas ang grades mo fo the past 4 months, sayang ang grades mo kung sa section Z ka lang" sabi niya.

Seryoso ba siya?

". . . Ma'am, 27 out of 100 lang po ako last math exam ko" sabi ko sa kanya. Napatahimik siya.

"Then improve your math skills and study. May meeting pa ako, you may leave" sabi niya. Gusto ko pang sabihin na ayokong lumipat sa section na yun pero mukang ubos na ang pasensya niya sakin.

Baka ma-expel pa ako.

Paglabas ko, medyo natutulala pa ako sa nangyari.

Mayumi Sanico, lilipat sa section A?

Ayoko!!!

Sigurado akong mao-op lang ako dun!

Eh kung wag na lang kaya ako pumunta sa section A bukas? Kunwari wala na lang nangyari? Edi makakalimutan din yun ng principal, diba?
.
.
.
Perfect plan!

The next day. . .

Ok, ganito ang plano: papasok na ako diretso sa room namin sa section z. Malayo naman yun sa kabihasnan kaya walang makakpansin sa akin. Siguro naman hindi ako hahanapin ng principal dun, diba?

Ok, dumeretso na ako sa room namin na parang walang nangyari. Tingin ko talaga nagkamali lang si Principal Flores. Ako? Section A? Di ako bagay dun, noh! Baka masunog lang ako dun.

"Good morning!" masaya kong sinabi habang papasok ako sa classroom. Bakit parang gulat na gulat naman sila sa pagpasok ko? Aaah, siguro dahil maaga ako.

Ha! Bagong buhay na ako! Maaga na akong pumapasok!
.
.
.
Ok fine, ginising ako ni mama. Pinalo niya ang kaldero at sandok. Kala ko pa naman may sunog na, yun pala pinabibili kasi  kasi ako ni mama ng suka sa tindahan. Oo bukas na ang tindahan sa amin ng 6am. Gusto niya raw kasi ng suka sa tocino niya. Kaloka diba? Ginising pa ako para dun=____=

Class A vs. ZWhere stories live. Discover now