Chapter 13: Skye

4.4K 169 113
                                    




"Sino 'yun?" sabi ko, medyo nagpapanic. Mamaya kasi isipin niya na gumagawa kami ng scandal dito tapos kumalat sa school tapos kumalat sa barangay tapos ang mas malala pa dun- baka lumayo ang mga potential manliligaw ko! Ok sige, wala pa akong manliligaw- ever. Pero nafifeel ko na malapit na siyang dumating. Ang lalaking magpapakita sakin kung ano ba talaga ang feeling na mahalin tulad ng mga characters na nababasa ko sa wattpad stories. Mala Athena at Kenji- pero wag natin isama yung part na namatay sila. Ayoko pa mamatay, dami ko pang gustong matikman sa buhay ko. Madami pa pang pagkain ang di ko nakakain.

"Why does it matter?" sabi niya. Sungit naman ng lalaking 'to.

"Eh syempre, para ikaw na ang mag-sabi sa kanya na wala tayong ginagawang masama. Mukhang sikat ka sa school at ayaw naman nating masira an image mo sa school" sabi ko.

"I don't give a damn about my image. Why should I care about what other people think?" ang daming  ek ek ng lalaking to. Sasabihin lang naman niya na wala kaming ginawa eh! Nag-litanya pa.

Nagulat ako nang may biglang bumukas ng pintuan ng girls' cr. Isang lalaki na parang namumukaan ko. Parang Nakita ko 'to sa section A kanina.

"Oh sh*t, hahaha legit nga! Yo Skye- dito talaga? Dun na lang kayo sa condo ko I'll give you my keys" sabi nung lalaki, halatang nangaasar. 

Tama ba rinig ko? Condo? Hmmm. . . parang magandang idea yun ah. Mahal kaya ng staycations, kunin ko na kaya yung opportunity? Di naman overnight, baka may pool kasi sila eh ang tagal ko nang di nagsiswimming.

"May pool ba sa condo?" tanong ko, parang nagulat pa si Skye nang tumingin sakin.

"And a jacuzzi, baby girl. Wag mong masyadong papagurin yang kaibigan namin, may meeting pa kami nyan mamaya" sabi nung lalaki.

Baby girl? Tinawag niya akong baby girl?
.
.
.
Dapat magalit ako diba? Bakit kinilig ako? Talagang kulang ako sa lovelife, napasobra na ako sa kakanuod ng k-dramas. Wala pa kasing tumatawag saking babygirl. #virginsapagibig #nbsb #nanaylangangtumatwagsakingbaby

"Papagurin? Saan?" paano ko naman papagurin yang Skye na yan? Magsiswimming contest ba kami sa condo?

"Dont play innocent, sinimulan niyo na nga eh" sabi nung lalaki. Dun ko narealize yung sinasabi niya.

"Hoy! Wala kaming ginagawa noh! Wag kang gumagawa ng kwento dyan" sabi ko sa kanya bago pa siya magkalat ng kwento. Dahil tong si Skye, parang walang pakielam kahit may kumalat na chismis.

"Oh yeah? Eh anong ginagawa niyo dito?" sabi nung lalaking chismoso.

"Tinulungan niya lang ako kasi nastuck ako sa bintana" sabi ko. Tumingin siya sa bintana.

"Bintana? Eh ang taas nyan! Why and how did you even get there?" sabi nung lalaki.

Patay.

Di ko naman pwedeng sabihin na tumatakas ako sa section nila. Baka magsumbong pa to sa teacher sabihin nagcucutting ako eh 1 week cleaning duty ang punishment dun. Kwarto ko nga nahihirapan akong linisin, school pa kaya.

"Ah kasi. . . Nahulog dun yung hikaw ko" sabi ko.
. . . Bakit walang kwenta ako magbigay ng excuse.

"Nahulog? Sa bintana? Na mas mataas pa sayo?" tanong nung lalaki.

"Umm. . . Oo" sabi ko. Dami namang tanong! Wala na akong maisip na excuse.

Biglang tumunog ang school bell, alas tres na pala. . . Teka, alas tres na pala! 30 minute breaktime na namin! May klase din tong Skye na to diba? Edi makakatakas na ako.

"Don't even think about running away" sabi ni Skye.

"Ako? Tatakas? Luh, sino nagsabi" sabi ko sa kanya, di ko alam kung naniniwala siya sa sinasabi ko.

Tiningnan niya ako sa mata.

"If you runaway, I'll tie you up" sabi niya.

Napalunok ako.

"Itatali mo ako?. . . So ano sinasabi mo? Parang biik itatali mo ako?"

"What the hell is going on in that brain of yours? And don't flatter yourself. Mas cute ang biik kesa sayo" Grabe naman, di ko naman alam na trashtalkan pala to. Sige, di kita uurungan.

"O talaga? Mas cute pa ang butiki kesa sayo noh! Ano? Papalag ka?' sabi ko. 

Tiningnan ako ni Skye na parang nasisiraan ako ng ulo. Mukang di niya kinaya ang trashtalk ko.

Winner- Yumi Sanico!

"Mas matino pang kausap ang sanggol kesa sayo. I've had enough of this nonsense. Aston, take her away. Make sure she doesn't runaway- sumasakit ulo ko sa kanya"wow kung makautos sa kaklase niya, as if naman susunod siya sa utos niya.

"As you wish" sabi ni Aston.

Ha?

"Mayumi, is it? Come with me" sabi ni Aston. 

"Ano? Bat ako sasama sa'yo?" sabi ko. Hindi porket tinawag mo akong baby girl at kinilig ako ng 2% ay sasama agad ako sa'yo.

"Ililibre kita" 

Paang tumigil ang mundo. Tama ba rinig ko? 

". . . Ililibre mo ko?" mahina kong tinanong.

"Anything your heart desires" sabi niya.

Kainis. Alam niya atang ubos na baon ko. Ang hirap naman nito, pride or libre?

"Bibilan pa kita ng milktea"

Pride? Ano yun sabon? Paalam muna pride, mas kailangan ko ng libre ngayon.

"Tara!" agad kong sinabi.

A/N
hi everyone! I hope everyone is doing well despite the lockdown. Keep safe everyone and stay at home!

Class A vs. ZWhere stories live. Discover now