Chapter 4: pinky swear

7.7K 343 20
                                    


"Manyak!!!" sabi ko at tinulak ko siya papalayo.

"What the hell?!" sabi niya.

"Hoy! Hindi porket gwapo ka at may kotse ay sasama na ko sayo! Birhen ako hanggang sa ikasal ako!" sabi ko sa kanya.

"Ano? Ang sabi ko iuuwi kita sa bahay niyo" sabi niya.

.
.
.
.

Aaah. Ganun ba?

"Teka, pano ko malalaman na hindi ka kidnapper?"sabi ko. Madilim pa naman dito, walang makakakita sakin>___<

"Fine, walk by yourself" sabi niya at pabalik na siya ng kotse niya.

"Lalakarin ko talaga!" sabi ko.

Pero nung nagsimula na akong maglakad.

"Aray!" sabi ko nang tumalisod ako at nakita kong tumigil siya sa paglalakad.

"Annoying" narinig kong sinabi niya at. . .O_____O

"HOY! Ibaba mo ako!!" sigaw ko.

"Just shut up" sabi niya.

"Anong shut up? Eh kinikidnap mo ko eh! Tuloooong!" sigaw ko. Nakakahiya pa yung pagbuhat niya sakin. Ano ako? Sako ng bigas?

"Kidnap? At ano naman ang makukuha kong ransom sayo? Eh wala ka ngang pamasahe pauwi" sabi niya.
.
.
.
.
Ok may point siya.

"Edi ibaba mo na ako! Hindi ako sako ng bigas!" sabi ko.

"Sako ng bigas? Baka sampung sako ng bigas" sabi niya.

Sampu? Sumosobra na ang lalaking toh ah! Naramdaman kong tumaas dugo ko.

"Hoy lalaki! Ok lang na kidnapin mo ako ah pero wag mong sasabihin na mataba ako!" sabi ko.

"Again, wala akong makukuha sayo pag kinidnap kita. Now get in" sabi niya at pinasok niya ako sa kotse niya.

Ok, kalma lang Yumi. Sabi naman niya di ka niya kikidnapin. Pero para makasigurado. . .

"Alright, where do you live?" sabi niya.

"Teka, magpinky swear ka muna" sabi ko habang nakataas yung pinky finger ko.

Naniniwala kasi ako sa sumpa ng pinky swear. Isang bes di ko tinupad yung pinky swear na ginawa namin- ayun, nahulog ako sa kanal nung araw na yun. Tapos nung isa pang beses na di ko tinupad yung pinky swear, tinamaan ako ng basketball sa mukha. Yung last naman, nahulog ako sa hagdan. Sabi nila lampa lang kasi ako pero naniniwala ako na sumpa yun ng hindi pagtupad sa pinky swear.

"What?" sabi niya.

"Pinky swear! Kundi mamalasin ka kapag binereyk mo toh. Bili na!" sabi ko.

Nirolyo niya ang mga mata niya.

"Fine para matapos na" sabi niya at nilagay niya na ang pinky finger niya sa pinky finger ko.

"I promise to ONLY return you to your home. Ano? Ok na ba?" sabi niya.

"Teka! I pinky promise dapat" sabi ko.

"Are you serious?" sabi niya.

Hmp. Hindi niya kasi alam yung tunay na kapangyarihan ng pinky swear.

"Basta gawin mo na lang" sabi ko sa kanya.

"I pinky f*cking promise" sabi niya, halatang naiirita na.

"Hoy bad word yun!" sabi ko. Pag ako kasi sinabi ko yun, kurot agad sa mama ko. Sabi ko lang peste, kinurot agad ako. Eh diba peste naman talaga ang tawag sa mga ipis at daga? Nasan ang hustisyaT___T

Tumungo siya at huminga ng malalim.

"Would you just let it slide? May urgent lakad pa ako pero I still have to take you home. Now tell me, where do you live?" mahinahon niyang sinabi. Pero parang naiinis parin.

Sinabi ko sa kanya yung address namin pero tiningnan niya ako.

"What? That's 1 hour away from here and you plan on walking?" sabi niya.

"Eh may bus naman dyan, lalakarin ko papunta dun" sabi ko. Isa pa naubos na pamasahe ko kasi bumili ako pagkain.

"Nang ganito kadilim?" sabi niya.

"Di naman ganun kadilim yung daan kanina" sabi ko.

"You know how dangerous that is? Di ako nagbibiro nung sinabi kong may nakatakas na killer" sabi niya.

O_____O

"Ok ok! Di na ako maglalakad pauwi" sabi ko. Ayokong mahuli ng killer, madami pa akong gustong gawin sa buhay. Pupunta pa akong korea para hanapin yung mga lugar kung saan nila shinoot yung Goblin.

"Good" sabi niya at pinaandar na niya yung kotse.

Pano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Dapat kasi di na ako bumili ng fishball eh!

Author's note:
Thank you for reading:)

Class A vs. ZWhere stories live. Discover now