Chapter 12: Deal

5.7K 204 63
                                    




Please wag kang papasok.

Please wag kang papasok.

Please wag kang papasok.

Utang na loob wag kang papasok (pero nabayaran ko na utang ko sa kanya kaya di na ako mangungutang ulit) wag kang papasok!

.

.

.

Narinig kong bumukas ang pintuan.

"You've got to be kidding me"

Lupa, kainin mo na ako. Kahit yung toilet dito sa C.R kainin mo na ako.

"Are you. . . stuck?" may kasamang pangja-judge sa tono niya. Hoy! Wala ka sa korte para i-judge ako ah.

"Umm. . . hindi noh! May nahulog kasi sa sa bintana" sabi ko.

"May nahulog sa bintana? Dyan sa bintana na mas mataas pa sayo. . . may nahulog?" mas naramdaman ko yung pangjajudge sa boses niya. Dami naman kasing tanong!

"Oo yung. . . hikaw ko" sabi ko.

"Yung hikaw mo?" sabi niya. Akala ata niya baliw ako.

Pero pwede rin kasi kung iisipin niya na may sapi ako sa ulo ko, edi iisipin niya na hindi ako bagay sa section A? Diba?

Hay naku ang talino mo talaga Yumi! Kaya ka siguro kiukuha sa section A pero ayoko talaga, baka magtransfer na naman ako pag napunta ako dun.

"So walang problema?" sabi niya, parang natatawa na.

"Oo ok lang ako kaya ko na to" sabi ko.

"Ah, for a second there I thought you were trying to escape. Ok, iwanan na kita dyan. Good luck in finding your earring, I really thought youre stuck there but I guess you dont need my help" sabi niya.

Teka, tutulungan niya raw ako???

"TEKA TEKA TEKA!" sabi ko.

"Oh? Found your earring?" sabi niya. Nangaasar na ata to eh. Feeling ko hindi siya naniwala na nawala ang hikaw ko sa bintana. Pwede naman mangyari ah? Pwede namang nahagis ko siya.

. . . Joke kahit ako ata hindi maniniwala na nawala ko ang hikaw ko sa bintana.

Bakit kasi wala akong kwenta magsinungaling???

". . . patulong. . ." mahina kong sinabi.

"Hindi kita marinig." sabi niya.

"Narinig mo naman eh!" sabi ko.

"Wala akong narinig" sabi niya.

NAKAKAASAR!

"PATULONG!" nilakasan ko na ang boses para marinig ng binging lalaking yan.

"That doesnt sound like a person who needs help"

Wow? Ano gusto niya? Magmakaawa ako?

Ayoko nga!. . . pero nangangalay na ako na ako at ang sakit na nito sa tyan.

Fine. Lunok pride na lang. Pero parang mas gusto kong lumok ng pride na sabon kaysa magmakaawa sa kanya.

"Patulong. . . please" sabi ko. Di ko man siya nakikita dahil nakatalikod ako pero sure ako na nae-enjoy na to.

"Fine but on one condition" sabi niya.

"DEMANDING MO NAMAN TUTULUNGAN MO LANG NAMAN AKO MAKABABA!" wala na, di na kinaya ng pasensya ko. Nakakainis na kasi siya eh! Baka kaya ko pa naman bumaba mag-isa?

. . . di talaga kaya. Dapat talaga naghalf rice lang ako kaninang breakfast, hindi 3 cups of rice. Sa bahay kasi namin, daig pa namin ang mang inasal sa unli rice .

"Everything comes with a price, sweetheart" sabi niya.

Ano? SWEETHEART?!

"Hoy! Unang-una, di mo ako sweetheart dahil hindi mo ako jowa, boyfriend, syota, future fiance- wala! Pangalawa, wala akong pera kaya di ko kaya yang price mo"

"Dont worry, this is not monetary" sabi niya.

"Kung hindi pera, eh ano?" sabi ko.

Parang nabasa ko na to dati. . .

Tapos biglang umilaw yung lightbulb sa utak ko.

"HOY! Hindi ko ibibigay ang katawan ko sayo! Manyak!!!" sabi ko sa kanya.

"Di ka rin makaintindi noh? Di ako interesado sa mga mukang elementary student" parang naaalala ko na sinabi niya na yan sakin dati. Sakit pa rin, tagos sa buto. Oo na! Pag ako talaga tinamaan na ng puberty, mga who you sila sa akin. Magiging kasing sexy ko si Anne Curtis.

"Oh eh ano naman yang price na sinasabi mo? Bilisan mo na kasi nananakit na ang tyan ko dito ah" sabi ko.

"Magstay ka lang sa Section A for 2 weeks. After that, you can go back to your original section" sabi niya.

Ha?

"Seryoso yan? 2 weeks ah mamaya 2 years pala yan" sabi ko.

"2 weeks. Dalawang linggo. Liǎng gè xīngqí. Nishuukan. Iju. Gusto mo pati french ng 2 weeks sabihin ko?" sarcastic niyang sinabi.

French french ka pa dyan eh french fries lang ang alam ko at french baker sa SM.

"Effort ka pa dyan eh yung english at tagalog lang yung naintindihan ko. Oo na payag na ako sa 2 weeks basta ibaba mo na ako dito!" sabi ko.

"Di ka tatakas within those two weeks" sabi niya. Wow ano ako? Preso?

"Paano pag tumakas ako kasi ang sasama ng ugali sa section niyo" baka kasi di ko kayanin ang mga estudyante dun. Tingin palang nila, ayoko na tapos ang tapang pa ng pabango nila parang pang isang linggo yung nilagay nila tapos ang grabe yung conyo tapos ay naku! Ang dami pa!

"Try to run away and I will hunt you down. I'll drag you to that section myself" smedyo natakot ako sa pagkakasabi niya. Parang walang halong kahit anong biro.

Yumi! Wag mong ipahalata na takot ka sa kanya!

Sus, pareho lang kami ng age nyan, bat ako matatakot?

"Oo na! Tinakot mo pa ako- ibaba mo na nga ako!" sabi ko.

"It's a done deal then. Remember, no one ever breaks a deal with me" sabi niya. Nakakatakot parin yung pagkakasabi niya. Yung parang may pagbabanta.

"Deal na, ok?" sabi ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa may bewang ko para tulungan akong makababa sa bintana.

Hay salamat! Nakababa rin, ang sakit sa tyan!

Biglang bumukas yung pintuan.

"Salvatore? What the hell are you doing in the girl's comfort room?" sabi ng isang babae, hindi ko siya makita kasi nakatalikod ako at nasa likod ko si kidnapper.

"Cant you see I'm busy?" sabi niya.

"Tss, scandaloso ka talaga. Fine bilisan mo, I'll block the door" sabi nung babae at lumabas na siya. At lumabas na yung babae.

Teka, baka iba ang isipin nung babae? Ayokong magka fake scandal dito sa school, patay ako sa magulang ko!

Class A vs. ZWhere stories live. Discover now