Chapter 11: Crush

5K 209 30
                                    




Pagbukas ko ng pintuan. . . lahat sila nakatingin sakin.

Tingin palang nila parang pinapaalis na agad ako. Tingin niyo gusto ko dito? Mas gusto ko pa sa section z noh! Atleast mababait sila kahit kinukuha nila agad ang assignment ko para mangopya at pati exam na essay kinopya nila word per word tapos may nangunguha pa ng ballpen ko-- ah basta mas mabait sila!

Nahihiya ako at feel na feel ko na hindi ako belong dito. Yung iba, tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Yoko talaga dito! Di ako makakasurvive dito. Wala pang 6.5 seconds eh nakikita ko na agad na mabubully nila ako.

"Anong ginagawa nyan dito?" kunwaring pabulong nung babae. Nahiya pa siya, sana sinigaw mo na lang, kunwaring bulong ka pa dyan. Di talaga ako belong dito kaya tama lang na umalis ako na ako dito. Mas gusto ko pang magpakopya sa 32 kong kaklase sa section Z at pagalitan araw araw ng teacher kesa mapunta ako dito.

"Ah sorry, medyo masakit ang tyan ko pupunta muna ako sa clinic" sabi ko dun sa kidnapper pero bago pa ako makalayo, hinawakan ako ni kidnapper sa braso.

"Making excuses again?" sabi niya.

"Gusto mong dito ako magCR? May toilet ka bang nakikita dito?" sabi ko sa kanya, bakit ba kasi mapilit tong lalaking to? Nabayaran ko na ang utang ko sa kanya, diba?

Nabayaran ko ba? Oo nabayaran ko... ata?

Mukang napaisip siya pero pumayag naman siya. Tss. Daig niya pa ang teacher ah.

"Fine, bilisan mo" Ang demanding!

"Oo na!" sabi ko.

*mission accomplished*

Didiretso na ako sa section ko kasi malayo yung room namin dun at eeffort pa si kidnapper. Ok basta kailangan ko lang bilisan para---

"San ka pupunta? The restroom's that way" sabi ni kidnapper.

Seryoso ba at sinundan niya ako?

"Alam mo nanghihinala na ako eh. . . crush mo ako noh?" sabi ko sa kanya. Tingin yun talaga ang rason kung bakit effort na effort siyang ipilit akong ipasok sa Section A(sar). Sabagay, ang cute ko kaya di na ako nagugulat.

"Tss kunwari ka pa dyan eh, gusto mo lang ako makita sa class mo everyday noh? Sabagay, mukang masungit yung mga babae sa classroom eh. Sige na nga, papayagan kong ligawan mo ako basta tulungan mo akong makabalik sa section z" sabi ko.

Hep hep! Alam ko na iniisip niyo, na malandi ako noh? Sinabi ko lang pwede niya akong ligawan, hindi ko naman siya sasagutin. Syempre dun parin ako sa lalaking nagbigay sakin ng hersheys. Faithful ako sa crush ko.

Lumapit siya.

At lumapit pa. . .

Sandali lang, masyado siyang malapit!

Parang nabasa ko na to sa mga romance novels at manga. . . hahalikan niya ba ako?!

Future boyfriend ko lang ang pwedeng humalik sakin! Kidnapper! Kidnapper ng first kiss!!!

"You're not my type, mukha kang Grade 1" sabi niya.

.

.

.

ANG SAMA NG UGALI NG LALAKING TO! Muka ba talaga akong grade 1? Kaya ba minsan hindi ako pinapasok ni kuya guard kahit naka-I.D ako?

"Sige kung hindi mo ako crush, bakit mo ako pinipilit sa section niyo? Halata naming hindi ako bagay dyan" sabi ko.

"Kasalanan mo kaya ka pinipilit sa Section A. Besides, principal na ang nagsabi sayo diba? Di ka ba marunong sumunod? You already look like a child, stop acting like one"

Aray. Ang sakit naman magsalita nito. May ginawa ba akong mali? Dahil ba pinakopya ko halos lahat ng kaklase ko dun sa English assignment namin kaya ako pinaparusahan? Siguro temporary lang naman to at kung mabait ako sa section A, baka pabalikin na nila ako sa section Z.

"Oo na eto na! Magc-cr lang tapos babalik na ako sa room niyong masakit sa ulo. Sabihin niyo nga sa classmates mo na OA sila magpabango! Tingnan mo ako, baby powder lang oks na" sabi ko.

"Ah kaya pala mukang espasol ang muka mo"

. . . namumuro na ang mokong na to ah.

"Alam mo, konting konti na lang pasensya ko sayo ah!" sabi ko.

"Ano magccr ka ba o hindi? Hihilahin na kita pabalik ng classroom" sabi niya, parang siya yung nauubos na ang pasensya.

Tss. Dumeretso na ako sa cr at pagpasok na pagpasok ko, naghanap ako agad ng tatakasan.

Ayun!

Paano ako makakaakyat sa bintana? Tungtong na lang siguro ako sa sink? Pwede pwede.

Ok wag lang madudulas. . . mukang kasya naman ako sa bintana. . . malapit na. . .

"ARAY!!"

Bumukas agad ang pintuan ng girls c.r.

.

.

.

Lagot.

Class A vs. ZWhere stories live. Discover now