Chapter 2: Hersheys

10.8K 419 67
                                    

After class — 5pm

Di talaga mawala sa isip ko si Hersheys! Kamuka niya kasi yung bida sa Goblin, si deokhwa aka si mr. Credit card(2 araw sunod sunod ko pinanuod yun last week. Abot paa na ang eyebags ko nun). Adik na adik ako dun! Wallpaper ko pa yung Goblin oh.

Hanggang ngayon, di ko parin kinakain yung binigay niya saking chocolate.

Iniisip ko pa nga kung kakainin ko pa toh eh. Kaso. . .

Baka masira. Sayang naman.

Tapos yung boses niya. . . Yiiiieeeee! Kinikilig ako pag naaalala ko siya!

Ok. Kalma lang Yumi. Di naman siya ang first crush mo, diba? Isa lang sa napakahabang listahan ng mga crush ko.

Kaso siya lang yung crush na wala sa tv.

Edi ang ibig sabihin. . . si Hersheys ata ang first crush ko*///*

5 p.m na pala, medyo nagdidilim na din.

Magjeep na kaya ako pauwi?

O kaya. . .

Magfi-fishball na lang ako*___*

Fishball>Jeep

Sayang kasi pamasahe eh hindi naman ganun kalayo ang bus station.

Habang naglalakad na ako papunta sa paborito kong bilihan ng fishball at kwek-kwek, napaisip ako-

Kumakain kaya ng fishball si Hersheys?

Hula ko nga baka di niya rin alam kung ano ang fishball.

Kawawa naman si Hersheys. Dapat malaman niya ang lasa ng fishball, squidball, kwek kwek, cheese stick, at tokwa!

Speaking of fishball, buti na lang wala masyadong tao kay Manong Paul. Madalas kasing maraming tao bumibili sa kanya eh, dabest naman kasi yung benta niya.

"Hi po Manong Paul! Sampung fishball nga po" sabi ko.

"O Yumi, nagda-diet ka ba? Diba sampung fishball at sampung kwek kwek ang madalas mong binibili? Minsan nga magdadagdag ka pa ng limang cheesestick" sabi ni Manong Paul.

Diet? Wala yun sa vocabulary ko eh.

"Kulang po pera ko eh kaya sampu muna po" sabi ko.

"Kawawa ka naman, nangangayayat ka tuloy. Sige, ililibre kita ng apat na kwek kwek" sabi niya.

*_______*

Napakasarap pakinggan--- libre.

May mga mabubuting tao pa talaga sa mundo! Ang bait bait talaga ni Manong Paul<3 Tatlo anak ni manong Paul kaya ang sipag niya din magtrabaho. Hay. Namiss ko tuloy si  papa.

"Salamat po Manong Paul! Dahil dyan, ieendorse ko po kayo sa mga classmates ko" sabi ko.

"Eh puro mayayaman kaklase mo Yumi, hindi sila kumakain nito" sabi niya at sabay tawa.

"Naku Manong Paul, pag natikman nila yan sigurado ako babalik balikan nila yan!" Sabi ko sa kanya. Ang sarap kaya talaga! Isa pa mahilig naman sa masasarap ang mayaman diba?

Ah alam ko na! Ililibre ko si Hersheys pag nagkita kami!

O kaya. . .

Lulutuan ko na lang siya ng fishball at kwek kwek!
.
.
.
.
Di pala ako marunong magluto.

Te-take out na lang ako kay Manong Paul tapos sasabihin ko luto ko. Di naman niya malalaman eh.

Para naman makabawi ako dun sa binigay niyang chocolate. Tama, nai-imagine ko na.

===Yumi's Mind Theatre===

"Wow Yumi, I never thought something this delicious existed" sabi ni Hersheys habang nakatingin sakin.

"Masaya ako at nagustuhan mo" mahinhin kong sinabi.

"I know this is all too sudden but. . . Will you be wife someday" sabi niya.

"Yes. . ." mangiyak-ngiyak kong sinabi sa kanya. Lulutuan kita araw araw ng fishball Hersheys <3

"Yumi"

"Yumi"

"Mayumi!"

Ha?

"Yumi, nakatulala ka na dyan ah. Eto na order mo o" sabi ni Manong Paul tapos binigay ko na sa kanya ang bayad ko.

"Nagdidilim na iha, sa bahay mo na lang kainin yan" sabi niya.

Tama siya, lagot na naman ako sa kay mama pag umuwi ako ng gabi.

"Sige po Manong Paul, salamat po ulit!" sabi ko at nagsimula na akong maglakad pauwi.

Kainin ko na lang daw toh paguwi pero. . .

*grrrkkkrrr*<--tyan ko

Gutom na ako ehT____T

Teka, wala naman nagsabi na bawal kumain habang naglalakad diba?

Tama!

Lakad. . .

Kain. . . (Ps. Ang sarap talaga ng fishball ni Manong Paul!)

Lakad. . .

Ano kaya ulam sa bahay? Sana naman hindi na gulay na naman. Nagiging rabbit na ako kakagulay namin ng limang araw.

Kain. . .

Pwede kaya ulamin ang fishball? Hmmm. . . Pwede. Tapos lalagyan na lang ng ketchup! Tapos pag masarap, magtatayo ako ng restaurant tapos fishballsilog (fishball+itlog) ang ititinda ko! Tapos---*BEEEEEEEEEEPPPP!!!!*

Waaaaaahhhhh!!
.
.
.
.
.
Yung. . . .

Yung. . . .

YUNG KWEK-KWEK KO!!!!!Q________Q

Yung fishballs palang yung nakain ko eh!!!

Nabitawan ko siya ng may bumisina sa harapan ko. . . Ngayon nasa kalsada na yung pagkain ko.

R.I.P fishball at kwek kwek. Mamimiss ko kayoT___T

"Ano ba miss? Are you trying to kill yourself?!" sabi nung lalaking nagmamaneho.

Langyang lalaki to! Kwek kwek killer!Q______Q

Author's note:
Thank you for reading:) will update soon:D

Class A vs. ZWhere stories live. Discover now