Chapter 9: Transfer

8.3K 310 81
                                    



Time check---7:00 am

LATE NA NAMAN AKO!!!

30 minutes later--mabilis lang kasi naligo ako ng 10 minutes, nagbihis, at kumuha ng tinapay (kaso nahulog nung tumakbo akoT__T), at sumakay na agad ng jeep. Napilitan pa nga ako sumabit sa jeep kasi late na talaga ako.

Pagdating ko sa school, tumakbo na agad ako papunta sa classroom.

Tinitingan pa ako nung ibang estudyante habang tumatakbo- grabe naman, akala mo di pa sila nale-late eh-__-

Pagpasok ko. . . yes! Wala pa yung teacher! Galing mo talaga Yumi^__^

Time check: 8:00

"Pumasok ka pa?" sabi ni Hans.

"Hmm? Bakit naman hindi ako papasok?" sabi ko. Taga class Z man ako pero di ako magka-cutting noh.

Bilang class president, dapat maging responsible! Sana nga lang tularan ako ng classmates ko.

"Lunch time na oh" sabi naman ni Joshua.

Lunch time? Eh 8:00 pa lang naman.
.
.
.
Ay.

Baliktad yung pagbasa ko sa orasan. 0:08 pala ang nakalagay. Apat na klase na ang hindi ko naabutanT___T

Nagmadali pa naman ako at sumabit pa sa jeep (kala ko mamatay na ako), tapos late din pala ako.

Daming lalaki kanina na nakaupo, di man nila binigay yung upuan nila sakin. Haaaay.

Sa panahon ngayon, kay Psy na lang nageexist yung salitang gentleman.

"Pero Yumi, ok ka lang ba?" sabi ni Hans.

"Oo naman, bakit naman hindi ako magiging ok?" sabi ko.

"Diba yung nangyari kagabi sa clinic. . ."

O_______O

Tinakpan ko agad yung bibig niya.

"SSSSHHHH!!! Masakit puson ko kaya ako nagclinic, ok? Wag mo sasabihin to kay maam kundi, sasabihin ko sa kanya na may dala kang FHM dyan sa bag mo" sabi ko. Halos wala na kayang pantakip yung babae sa cover!

Pano niya nalaman na nagclinic ako?! Tinanggal na niya yung kamay ko sa bibig niya.

"Teka, yun lang ba ang nagyari sayo kahapon?" sabi niya.

"Ha? Oo, may iba pa ba. Buwan buwan nangyayari to sa babae kaya ok lang. Yun nga lang sumasakit yung--"

"Oo na! Oo na! Ayokong marinig yang red tide mo" sabi niya.

Tss. Siya kaya yung nag-bring up ng topic.

Pumunta na lang ako sa canteen kasi wala naman akong ibang gagawin eh kaya kakain na lang ako.

"San ka pupunta??" sabi ni Hans.

"Bakit? Sama ka? Basta libre mo ako ah" sabi ko. Di naman nanlilibre si Hans pero baka biglang sapian siya at ilibre ako. Pag nagkataon, papalibre ako pizza*___*

"Ulul" sabi niya.

Well I tried. Bye bye free pizza.

Samantalang dati, lagi siyang nagpapalibre ng pepsi sa akin.

Life's unfair talaga.

"Sabi ni maam Doria, pumunta ka raw sa Principal's office" sabi niya. Principal's office?! Bakit lumevel up? Sa guidance office lang ako pinapapunta dati ah!

"Bakit?!!" sabi ko.

"Ako ba si Maam Doria?" sabi ni Hans. Pilosopo naman to.

"Tss. Oo na! Sana mahuli kang nagbabasa ng FHM at maguidance ka" sabi ko.

Class A vs. ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon