Chapter 3: "Iuuwi kita"?!

7.9K 363 14
                                    

Siya na nga ang may kasalanan tapos siya pa ang may ganang magalit?!

"Ano? Eh ikaw nga ata ang gustong patayin ako ah! Di mo ba alam toh?" sabi ko dun sa lalaki habang nakaturo sa baba.

"Pedestrian lane. Lakas ng loob mong magkotse pero pedestrian lane lang di mo alam" sabi ko sa kanya.

Nararamdaman ko nang umiinit ang mukha ko sa inis>_____< eh kasi naman yung fishball ko!

Narinig ko siyang nagmura ng pabulong. Kunwari di ko na lang narinig (pero gusto ko siyang sabihin na bad word yun kaso baka magalit pa siya).

"Hindi mo ba alam kung ano yun?" masungit niyang sakin habang nakaturo sa taas ulo ko.

"Malamang traffic lights" sabi ko.

"At anong kulay yan?" sabi niya.

Ano ako? Kinder?

"Syempre red! Di naman ako bulag noh" sabi ko.

"Exactly. You are not supposed to cross the road when the lights are red" sabi niya.
.
.
.
.
Ok. Nosebleed.

Madaya tong lalaking to ah, biglang nag-english.

Pero sorry siya! Di ako magpapatalo kahit mag french, japanese, chinese, o magspanish pa siya!

"FYI! Nakagreen yan nung tumawid ako. Bakit hindi ka na lang mag-sorry ha? Dahil sa muntik mong pagsagasa sakin, nahulog tuloy yung pagkain ko" sabi ko.

Ewan ko ba sa mga lalaki, ganun ba kahirap magsorry? Siya ba ang uuwing luhaan kasi hindi na niya makakakain yung fishball niya?

Kala mo kung sino porket maganda yung kotse>:(

Biglang bumukas yung pintuan ng kotse.

O_____O

Hala.

Takboooooo!!!
.
.
.
.
.
*plak*

Nadapa pa akoQ___Q

Nararamdaman ko siyang palapit ng palapit.

"Sorry na! Sorry na! Sige na hindi na ako tatawid kahit kelan!" sabi ko sa kanya habang nakapit ako. Natatakot kasi ako! Pano kung malaking tao pala siya tapos itatapon niya ako sa ilog? Di pa naman ako marunong magswimming!

"Get up" sabi niya.

Di ako tumayo. Baka kung anong gawin niya sakinQ___Q

Alam ko na.

Sisipain ko siya tapos tatakbo ako palayo.

Ok game.

One. . . Two. . .

"Alright, iwan na kita dyan. Pero I've heard na may nakatakas na killer dyan kanina sa may presinto"

Killer?!

O______O

"Aaah!--aray!" sabi ko. Lampa x100

Pagkatayo ko nahulog din ako bigla sa kalsada. Ang sakit pala ng pagkakadapa ko.

Pagtingin ko sa kanya-

Ok, mukha namang hindi niya ako itatapon sa ilog. Parang ka-edad ko lang siya.

Napansin ko rin na nakaupo na rin siya sa may kalsada at nilagay niya ang kamay niya sa chin ko at tinaas niya ng konti. Napilitan akong tumingin sa mga mata niya.

Masyadong. . . Malapit. . .

"Get up" sabi niya. Actually, utos niya pala. Medyo natatakot ako sa kanya kaya tumayo ma lang ako. Tinulungan niya akong tumayo pero masakit parin yung paa ko.

"Mukang na-sprain ka. Guess we have no choice, iuuwi na kita--" sabi niya.

Iuuwi na kita. . .

O______O

Author's note:
Thank you for reading! Sorry medyo maikli meheheh

Class A vs. ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon