Chapter 5

167K 9.2K 2.5K
                                    

Chapter 5

Balon

Nagmulat at nagkaisip sa magagandang sining at musika. Nahulma at patuloy na pinagyayaman sa lugar ng perpeksyon. Nakasaksi ng pagningning, humanga sa ginto at puting kulay at higit sa lahat nakatamasa ng matinding kaligayahan.

Aking mga emoysong inakalaang sa sariling mundo lamang makakamtan. Ngunit tila unti-unting nabubuwag mula sa mainit na bisig ng isang prinsipeng may mga matang lumiliyab, higit sa mga simbo, lampara o maging mga bulalakaw.

Kanyang mga mata'y higit sa mga sining na aking sinasamba...

Mga labing kay pula na tila'y nag-aanyaya ng kalinga...

Magandang hugis ng kanyang ilog may uri ng paglalandas na higit sa mga panulat...

Ang prinsipeng nagmulat sa akin ng panibagong klase ng perpeksyon...

Nanatiling nakahawak ang kanyang magkabilang mga kamay sa aking pisngi na parang ayaw ako nitong pakawalan sa kabila ng mga salita nitong hihintayin niya ako sa aking muling pagbabalik. Mariing din nakahawak ang aking mga kamay sa kanya.

Hindi natinag ang aming mga mata sa isa't-isa at nang sandaling marahang gumalaw ang kanyang daliri patungo sa aking mga labi, mas lalong sumiklab ang apoy sa pagitan namin.

"Ngunit hindi kita hahayaang lumisang hindi dala ang pananabik ko." Kasabay nang madiing salita ng prinsipe ay ang paglapat ng kanyang labi sa akin.

Isang klase ng halik na hihilinging walang katapusan, halik na tila aking hahanapin sa aking paglisan at halik na siyang hihila sa aking magbalik sa lalong madaling panahon.

Halik ng isang prinsipeng magtuturo kung paano maghanap ng kasagutan sa kakaibang klase ng uhaw.

"P-Prinsipe--"

Handa na itong putulin ang aking mga salita sa pamamagitan ng kanyang halik ng isang malakas na pagsabog sa talon ang umagaw sa aming atensyon.

May kung anong malakas na pwersa ang tumama sa aking likuran dahilan kung bakit tila piniga ang aking puso sa matinding sakit.

At sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong malayo na sa prinsipeng kasalukuyan nang nanlalaki ang mga mata sa direksyon kung saan ako naroroon.

Sa tabi ng prinsipe ay nagbalik ang dyosa ng asul na apoy na may isang kamay na nakahawak sa lupa, mahabang buhok na nakasabog at mga balikat na walang tigil sa pagbaba't taas dahil sa mabibigat na paghingal.

A-Anong nangyayari?

H-Hindi kaya...

Sa aking nangangatal at nanghihinang katawan, pinilit kong mag-angat ng tingin at halos mawalan ako ng malay dahil sa matinding pagkagulat. Dahil sa likuran ko ay nakatindig ang hindi lamang lima hanggang anim na pinakamalakas na dyosa ng Deeseyadah.

Nagbalik na akong muli sa kanyang kaanyuan at kasalukuyan akong buhat ng isang dyosa.

"Dinukot ng taksil si Leticia." Rinig kong sabi ng isa sa mga dyosa.

Agad akong nagpumiglas. Mali ang iniisip nila, hindi ako dinukot ng dyosa ng asul na apoy dahil ako mismo ang kusang bumaba rito.

Sinubukan kong magsalita ngunit walang boses ang lumalabas sa akin. Nangangatal ang mga kamay kong humawak sa aking leeg, anong nangyari sa boses ko?

"Anong kataksilang ritwal ang ginawa mo kay Leticia?!"

Biglang bumalik sa aking mga alaala ang ginawa sa akin ng asul na apoy. Pinuwersa nitong dalhin ang katawan ko sa totoo nitong anyo kahit hindi pa ito kaya ng aking kakayahan at presensiya bilang dyosa, maaaring naapektuhan nito pansamantala ang boses ko.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Where stories live. Discover now