Chapter 43

114K 6.7K 1K
                                    

Chapter 43

Pagtimbang

"Can you define the word King?" Panimula ni Dastan.

Inasahan ko na hindi na magkakaroon pa ng pag-uusap ang tatlong hari at mauuwi agad sa isang matinding sagupan. Ngunit si Dastan ay mananatiling ang kilalang hari ng Parsua Sartorias na kalmado sa lahat ng oras.

Maging si Pryor ay kumunot ang noo at marahas lumingon kay Dastan na tila nais malaman ang susunod pa nitong hakbang. Si Tobias na kanyang matalik na kaibigan ay hindi na nagulat, ngunit ang magkapatid na Le'Vamueivos ay kapwa alerto.

Matapos masilaw ng dalawang hari mula sa espada ni Dastan ay kapwa ang mga iyon nagpabago ng posisyon upang maprotektahan ang kanilang mga mata.

Pormal na itinusok ni Dastan ang kanyang espada sa kanyang harapan na tila nagbibigay ng hudyat na hindi pa siya susugod.

Huminga ako nang malalim, kung si Dastan, Tobias at Pryor ang lalaban sa dalawang hari, ibig sabihin lang nito ay ako lang ang maaaring makalapit kay Rosh.

At ang paglapit kay Rosh ay pakikipaglaban sa hindi lang sasampung diyosa na ngayo'y paniguradong ako'y isinusumpa. Tipid akong sumulyap sa dalawang hari sa unahan, hindi ko ipagkakailang nais ko rin silang kausapin.

Ako, higit sa sinuman ang may kilala sa kanilang dalawa. Nasaksihan ko ang kanilang pinagdaanan sa nakaraan, ang lahat ng kanilang sakripisyo, ang kanilang pinaglalaban at kabutihan sa kanilang nasasakupan.

May iisa kaming layunin, at ito'y kaayusan sa mundong ito. Ngunit ang paghahari'y para sa isa lamang...

May mga nararapat, may mga isinilang upang mamuno, nagtataglay ng mga matang nakabukas, tengang handang makinig sa walang katapusang daing, mga kamay na nais makarating hanggang sa pinakamadilim na lugar at higit sa lahat may pusong marunong tumibok hindi para sa isa kundi para sa nakararami.

Isa nang uri ng biyaya ang gawaran ang isang mundo ng hindi lang iisang haring may ganitong katangian, ngunit gaano man karami ang isilang na nilalang na may ganitong uri ng kapasidad.

Ang pinakamalakas na liwanag ay mananatiling araw, may isang mamumuno sa gitna at ang bawat sinag nito ang siyang tila gabay at tulong nito upang ang bawat liwanag niya'y makarating sa lahat.

Si Claudeous at Ahren ay nakatakdang tumulong kay Dastan, ngunit paano ko iyon magagawang ipaliwanag sa kanila?

"A king is not a puppet, Gazellian." Si Ahren ang unang nagsalita.

"A puppet, huh?" sagot ni Dastan habang naka-krus ang kanyang mga braso.

"A king can fight for his people, alone."

"Alone." Pormal pa rin ang boses ni Dastan.

"So... you two are not puppets, and you can fight alone?" tanong ulit ni Dastan.

Sumipol si Pryor bago niya inangat ang kanyang espada para ituro ang ilang diyosa na lumulutang sa unahan.

"So... ano 'tong makikinis na diyosa sa harapan ko na panay ang haplos sa kapatid ko? You're definitely alone, Your Majesty."

Napailing na lamang si Tobias sa pagsabat ni Pryor.

Akala ko ay masusundan pa ang pag-uusap nila, pero sa isang iglap ay nawala na sa unahan ko sina Dastan, Tobias at Pryor.

Kasalukuyan nang nagpapalitan ng pag-atake sina Dastan at Ahren, habang magkatulong si Tobias naman ay hinaharap si Claudeous.

Mabilis nang tumatakbo si Pryor patungo kay Rosh.

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)Where stories live. Discover now